Kapatid Network 'pina-plug' ni Robin

Seen : Ang pahayag ni Carla Abellana na sigurado siya na mataas ang rating ng kanyang show sa GMA 7, ang Basahang Ginto.

Scene : Ang mga panunumbat ni Nadia Montenegro against R. T., ang tao na kinupkop ng kan­yang pamilya, pina­tira at pinakain ng libre sa kanilang tahanan. Pina­ka­ingra­tang tao ang turing ni Nadia kay R.T.

Seen : Simply KC ang pamagat ng morning show ni KC Concepcion sa ABS-CBN. Magsisimula ang Simply KC sa Lunes, May 24.

Scene : Tanggap ng mga anak ni Ricky Dabao na hindi pa panahon upang pumasok siya sa pulitika.

Scene : Kapatid ang tawag ni Robin Padilla sa mga contestant ng Wowowee. Libreng plugging ng Kapatid station sa Kapamilya network.

Scene : Namatay ang pet dog nina DJ Mo Twister at Jeanette McBride. Plano ni DJ Mo na ipa-cremate ang labi ng aso at dalhin ito kay Jeanette sa Australia.

Show comments