MANILA, Philippines - Sa local film industry, bihira ang naglalakihang cast at kapag meron, isang malaking selebrasyon ito. Kaya ang pagsasama ng dalawang malalaking pangalan sa isang malaking pelikula, ang Hating Kapatid, na mula sa Viva Films ay tinatawag na sa ngayon pa lang na pinakamalaking proyekto sa taong ito.
Sa July 28, sina Judy Ann Santos at Sarah Geronimo ang dalawang bigating bida sa pelikulang idinirek ni Wenn Deramas at isinulat ni Mel Mendoza-del Rosario.
Isang project of a lifetime ang turing ni Viva big boss Vic del Rosario sa Hating Kapatid.
“This is the first time that Juday and Sarah will be seen in one movie. That is a casting coup in itself,” bida ng bossing. “Pero bukod sa kanila, may malalaking aktor pang kasama tulad ng beteranang si Gina Pareño at ang talented young actor na si Luis Manzano. This is big.”
Ang Hating Kapatid ay kuwento ng magkapatid na sina Rica at Cecilia na mahal na mahal ang isa’t isa kaya handang isakripisyo pati na ang personal na kaligayahan. Isang romantic comedy ito na magpapakilig, magpapaluha, at magpapatawa sa mga manonood.
Kilala ang dalawa ngayon sa pagiging blockbuster actresses kaya inaabangan na ng lahat ang pinagsamang galing ng isang hinahangaang Teleserye Queen at ng isang iniidolong Pop Princess.