Ang sosyal nina Dennis Trillo at Carla Abellana. Special ang kanilang presscon para sa bago nilang programa sa GMA 7, Love Bug na naging kapalit ng Dear Friends. Nagsi-sail sa Roxas Boulevard ang ferry habang on going ang presscon.
First time nag-partner ang dalawa sa isang drama project sa kanilang home studio. Nagkasama na sila bilang host sa kahuli-hulihang edition ng Starstruck.
Si Carla ay nakilalang si Geoff Eigenmann ang ka-loveteam sa kanyang mga naunang project sa Kapuso Network.
Si Dennis naman, paiba-iba na ang leading lady na ang pinaka-latest ay si Jennylyn Mercado kung saan nga siya in love ngayon.
So kailangan bang magpaalam si Carla kay Geoff? “Bakit naman ako magpapaalam? Trabaho ito at alam niya yun. Bakit naman kailangan pang magpaalam?” sagot ni Carla nang may magtanong kung anong reaction ni Geoff sa unang tambalan nila ni Dennis.
Eh paano kung ma in-love sa kanya si Dennis na alam naman ng lahat na ang bilis ma-in love sa ka-partner? May kissing scenes pa sila?
“Trabaho lang naman ito. Professional kaming magta-trabaho. Wag nang ganun,” sabi ni Carla.
Nagpaliwanag naman si Dennis na nagkakataon lang na nai-in love siya sa mga nakaka-partner niya.
Puwede kaya siyang ma-in love kay Carla?
“Sino bang hindi mai-in love kay Carla. Maganda, matalino, talented.” Kaya lang hindi na puwede dahil nga may Jennylyn siya na kitang-kita sa kanyang aura ang pagka-in love.
Si Carla naman, may Geoff na.
Kinunan ang karamihan sa eksena ng Love Bug sa Hong Kong. Kinunan din sa HK ang kanilang kissing scene habang nagko-cruise sila. Kaya lamig na lamig si Carla.
May nagtanong, ‘hindi ba napainit ng halik ni Dennis ang pakiramdam ni Carla?’
“Malamig talaga. Eh naka-dress pa ako nun kaya pareho kaming giniginaw,” sagot ng actress.
* * *
Ano ba ‘yan. Ang dami-dami namang ninong at ninang sa binyag at kumpil ni Charice. Aabot sa 24 pairs na na-publish sa ABS-CBN.com.
Kasama sa listahan ang mga bigating international at local celebrities sa pangunguna ng sikat na TV host na si Oprah Winfrey at international composer at tumutulong sa kanyang career na si David Foster.
Kinumpirma raw ito ng ina ni Charice na si Raquel Pempengco :
Heto ang kumpletong listahan :
1. Ms. Oprah Winfrey and Mr. David Foster?
2. Ms. Lisa Erspamer and Mr. Marc Johnston?
3. Mr. Gabby Lopez and Ms. Charo Santos?
4.Mr. Boy Abunda and Ms. Kris Aquino-Yap?
5. Mr. Raffy Lopez and Ms. Malou Santos?
6. Atty. Ed Shapiro and Ms. Liz Rosenberg?
7. Atty. Mr. and Mrs. Millie Gurfinkel?
8. Mr. Ricky Lo and Ms. Karen Davila?
9. Mr. and Mrs. William Sy
10. Mrs. Marietta Lavin and Ms. Oledan?
11. Mr. Robert Ybera and Ms. Cherry Arganda?
12. Mr. and Mrs. Grace Mendoza?
13. Mr. Julius and Ms. Tintin Babao?
14. Mr. Bum Tenorio and Ms. Michelle Gankee?
15. Mr. Jobert Sucaldito and Dra. Vicki Belo?
16. Ms. Emmie Velarde and Mr. Pocholo Concepcion
17. Mr. Peter Tiope and Ms. Lucy Ongkauko
18. Mr. Roger and Ms. Helen Bartholomew
19. Mr. Benson and Ms. Marlene Ong?
20. Mr. Mike Sanchez and Ms. Cris Llamo
21. Mr. David and Ms. Elsie Chua ?
22. Mr. and Mrs. Ellen Tiamson?
23. Mr. Joey Berroya and Ms. Cristina Perez?
24. Mr. Conrad and Ms. Aida Dimapilis
Huh, ang haba ng listahan.
Mag-attend kaya silang lahat sa nasabing okasyon ni Charice na hindi na mapigilan ang pagsikat sa Amerika?
* * *
May schedule na si Kris Aquino kung kailan siya aalis sa SNN at The Buzz. Tweet niya kahapon :
“I will leave SNN on Friday, June 25 & The Buzz on Sunday, June 27. I will be on Kung Tayo’y Magkakalayo until mid August. I’ll take my kids on their long delayed Disney vacation for 3 wks in August. When I come back, I’ll have new shows for ABS-CBN, I can still act, host a game show, judge a talent show, or finally fulfill my dream of having a lifestyle/travel show w/ a community sharing component. Life is good & I feel positive! Love love love.”
* * *
Bumaha ng comment at reactions sa social networking kahapon – Twitter and Facebook nang mapanood nila sa isang eksena ng Glee ang Jollibee - background habang nagpi-perform sa loob ng mall – Eagle Rock Plaza sa Glendale, California ang cast ng Glee, no. 1 musical TV series sa Amerika.
Mahaba ang free exposure ng Pinoy fast food chain sa nasabing programa.