MANILA, Philippines - Magsi-semi retire daw muna si Kris Aquino sa showbiz dahil ang pagtulong sa mga napangakuan niya noong kampanya ang kakaririn nito, kuwento ng isang taong malapit kay Kris. Pero hindi naman daw siya tuluyang mawawala sa eksena dahil babalik ang Deal or No Deal sa October. Plus meron naman daw itong mga commercials.
Saka meron namang Twitter kaya siguradong maa-update lahat sa mga mga gagawin niyang pagtulong sa kapatid niyang nanalo ng presidente last May 10 elections.
Ang inaabangan ngayon ay kung sinong mga ia-appoint ni Sen. Noynoy sa mga sangay ng pamahalaan na may kaugnayan sa Showbiz – Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), Optical Media Board (OMB), Film Development Council of the Philippines (FDCP), Metro Manila Film Festival (MMFF) at iba pa.
* * *
Hindi makalimutan ng mga nakapanood sa YouTube ang sinabi ng lumayas na host ng Wowowee ang tinuran ni Willie Revillame sa programang Paparazzi ng TV5 na ang nasabing programa nila (Wowowee) ay pag-aari ng bawat Pilipino.
“Hindi ko ‘yan pag-aari. Hindi yun pag-aari ng istasyon. Ibinigay namin ‘yan sa tao. Gusto namin pagpasok nila sa studio, tatawa sila, mari-relax sila,” banggit daw ni Revillame sa nasabing interview.
Paano raw naging pag-aari ng Pilipino ang nasabing programa eh sa ABS-CBN ‘yun ini-ere?
“Saka kanino ba nanggagaling ang pera na ipinamimigay nila sa show, di ba sa Dos, sa commercials na ini-ere sa pag-aaring network ni Mr. Gabby Lopez,” say ng isang observer na naloka sa mga sinabi ng TV host sa kanyang interview sa programa ng TV5.
May punto naman.
Saka paano kaya ngayon magmamalaki si Revillame na hindi nagri-rate ang Wowowee pag wala siya. Eh bakit hataw ang rating ngayon? Kinabog pa ang rating ng Showtime na dating hindi maungusan ng nasabing programa.
Anyway, simula nang ipakilala noong Sabado si action superstar Robin Padilla bilang special host ng Wowowee, halu-halong reaksiyon na ang lumutang mula sa publiko.
“Gusto ko lamang pong ipaalam sa lahat ng ating kababayan sa buong mundo na ako po ay nandirito sa Wowowee dahil sa ugaling Pilipinong bayanihan. Tumutulong lang po ako upang ang programang ito ay manatili na nasa inyo at nagpapaligaya,” pahayag ni Robin.
Para suyuin ang mga ito, inialay ni Robin, na kilala rin bilang Videoke King, ang kantang Kahit Konting Pagtingin na mala-harana sa mailap na nililigawan.
Ngunit bukod sa pagharana, isang makahulugang opening message ang nabitiwan ni Robin. Aniya, “Magandang tanghali po sa Spain, Australia, Florida, Georgia, Maryland, at Guam! Isang araw pupunta ako diyan kasama ang Wowowee!”
Sa pagbating ito ni Robin, marami ang nagtatanong, tuluy-tuloy na nga ba siyang makikisalo at magbibigay-saya bilang special host sa programa ng bawat Pilipino sa buong mundo? Tutukan...