Real-life action sa Rescue!

MANILA, Philippines - Simula na ng makapigil-hiningang aksyon sa telebisyon!

Inihahandog ng GMA News and Public Affairs ang Rescue – ang kauna-unahang reality-docu­men­tary sa late night TV. Samahan si Igan, Arnold Clavio, sa pagpasok sa maaksiyong mundo ng mga Pilipinong on-the-go sa oras ng peligro.

Sundan ang maagap na pag-responde ni Eric­son Vargas at ng Filipino Chinese Youth Vo­lun­teers sa mahigit dalawampung bahay na nilamon ng apoy sa J.Ruiz, San Juan. Lumala pa ang su­nog nang biglang nagputukan ang mga kur­yente. Maisalba pa kaya nila ang buhay at ari-arian ng mga apektadong residente?

Isang tawag naman ang natanggap ng Makati Rescue. May saksakan umanong naganap sa Laperal Compound. Mabilis na kumilos ang grupo ni Alvin Araza. Pero isang bangkay ng lalaki ang inabutan nila. Tumaas ang tensiyon nang ma­tag­puan ng grupo ang ka­patid ng biktima na du­guan at may tama rin sa ulo.

To the rescue rin ang Ba­rangay Tanod na si Ro­lando Marin ng Ba­rangay Bagong Silang sa Caloo­can City. Isang me­nor-de-edad na babae kasi ang dumu­log sa kanila da­hil ginagawa raw siyang “punch­ing bag” ng kina­ka­sama. Sun­dan ang ma­ak­syong ha­bulan hang­gang sa mapa­saka­may nila ang sus­pek.

Ilan lang yan sa mga ekse­nang napanood noong Huwebes, noong mag­simula ang programa.

Rosanna bumigay sa Panday Kids

Magbabago na naman ang ugali ni Rosanna. Nagiging masungit at malupit na ulit ito kay Oliver. Mahuhuli ni Ola na may kausap si Rosanna. Pero hindi na niya makikita si Enrico, naglaho na ito. Hihingin ni Rosanna ang kaputol ng espada kay Oliver. Gulat si Oliver. Pero hindi niya ibibigay ang shard sa ina. Patutunayan naman ni Charlie kay mayor na anak siya ni Andreas. Tatanggalin niya ang sombrero. Gulat si Mayor sa sungay ni Charlie. Pero ipapakulong din si Charlie ng mayor gaya ng ginawa sa tatay niya. Pagkakaguluhan ng media si Charlie!

Magpipilit pumasok sina Oliver at Hadji sa munisipyo! Sasabihin niya sa guard at sa mga taong naroon, na sila ang Panday Kids!

Ibibigay na ni mayor si Andreas sa isang scientist. Maabutan pa kaya siya nina Oliver at Hadji?

Ipapangako ni Rosanna kay Enrico na makukuha niya ang espada kay Oliver.

Pababalikin ni Enrico si Andreas sa piling ng mga bata. Ano ang pinaplano ni Enrico?

Bibigay si Oliver sa pang-i-emotional blackmail ni Rosanna. Ibibigay na niya dito ang espada.

Show comments