Goma magiging 'Kapatid' na

Iba talaga ang nagagawa ng isang hit TV show. Good example si Amy Perez na lalong gumanda mula nang subaybayan ng mga tao ang kanyang top-rating show sa TV5, ang Face to Face.

Lalong nadagdagan ang confidence ni Amy at parang ku­mikinang ang kanyang personality nang mapanood ko siya sa TV5 noong Linggo.

I’m sure, nakatulong din ang normal na oras na pag­tulog ni Amy. Hindi kagaya noong may radio program pa siya sa dzMM at graveyard shift ang na­ka­toka sa kanya. Habang mahimbing na natu­tulog ang buong bansa, gising na gising naman si Amy sa kanyang radio program na About Me & You.

* * *

Sina Dick Gordon at Mayor Jojo Binay pala ang mga kandidato na sinuportahan ni Robin Padilla.

Hindi natin nakita si Robin na nangangampanya para kina Gor­don at Binay pero ipinagmamalaki niya sa lahat na ang dalawa ang kan­yang sinuportahan noong nakaraang eleksiyon.

Tinanggap na ni Papa Dick ang kanyang pagka­talo at napakalaki ng posibilidad na si Mayor Binay ang susunod na vice president ng Pilipinas. Hindi man nanalo si Gordon, malaki naman ang tsansa ng vice presidentiable na sinuportahan ni Robin.

* * *

Walang big news sa showbiz dahil katatapos pa lamang ng eleksiyon. Pahinga muna ang mga artista na natalo at nanalo sa ha­lalan.

’Yung mga nag-win, nagpaplano na magbakasyon sa ibang bansa at ang mga talunan, stay put na lang sa kanilang mga tahanan para hindi na madagdagan pa ang mga gastos nila.

Hindi puwedeng sabihin na talunan si Richard Gomez dahil siya talaga ang ibinoto ng mga residente ng 4th District ng Leyte. Ma­buti na lang, naisip ni Richard at ng kanyang kampo na gawing substitute si Lucy Torres.

Hindi ko alam kung babalik pa si Richard sa GMA 7 dahil mai­ngay ang balita na lilipat siya sa TV5. Bago kumandidato si Richard, siya ang host ng Family Feud at in fairness, mataas ang rating ng kanyang show.

Malalaman natin ang career plan ni Richard dahil siguradong ipapaalam niya sa kanyang mga supporters kung magiging Kapuso pa rin siya o pipiliin na niya na maging Kapatid.

* * *

Tinapat na ako ni Lani Mercado na hindi muna siya lalabas sa TV dahil naka-focus ang kanyang atensyon sa 2nd District ng Cavite.

Tutuparin ni Lani ang pangako sa kanyang mga kababayan na kapag siya ang nahalal sa kongreso, gagawin niya ang lahat para umunlad ang kanilang bayan.

Happy ako para sa mga constituents ni Lani pero sad ako para sa aking sarili dahil nawalan ako ng komisyon porke pahinga muna siya sa pag-arte.

Hindi na puwedeng tumanggap si Lani ng mga teleserye dahil sa kongreso pa lang, kulang na kulang na ang kanyang oras. Malaki-laking ko­mis­yon din ang mawawala sa akin ha?

* * *

Sosyal ang mga bagong shows ng GMA 7 dahil kinukunan ang mga eksena sa ibang bansa.

Nag-taping sa Hong Kong ang Love Bug at pu­punta naman sa Malaysia ang cast ng Bakit Kaytagal ng Sandali? Talagang ginagastusan ng Siete ang kanilang mga show para mag-enjoy sa pano­nood ang mga Kapuso viewers.

Show comments