Pagtulog ng Queen of All Media mai-experience rin

MANILA, Philippines - Isa ang Queen of All Media na si Kris Aquino sa mga big stars na tini­tingala ng marami. Sa sobrang sikat, bawat galaw, salita, at maging ang mga lugar na pinupuntahan ay minamarkahan at madalas ay ginagaya pa. At kung isa ka sa mga loyal fans ni Kris, ito ang isang good news dahil ma­aa­ri mo nang ma-experience matulog sa bedroom niya!

Kamakailan ay ni-launch ni Kris ang pinaka­bagong design ng kanyang K Everyday Beddings and Linen Collection na perfect sa lahat ng pamilyang mahilig mag-bonding sa kanilang kuwarto.

Ayon kay Kris, ang kanyang beddings and linen collection ay sulit na sulit para sa mga consumers dahil bukod sa affordable ay stylish at functional pa ito. Higit pang naging espesyal ang mga items dahil ang mga disenyo, kulay, at overall look ng K Everyday ay personal na pinili ni Kris para masi­gurong magugustuhan ito ng mga gagamit.

Exclusively manufactured ng Dakki, mabibili na sa assorted sizes ang mga unan, bed sheets, at comforters ng K Everyday. May plain and print­ed designs ang mga items na mabibili sa SM Home­world section ng mga SM department stores.

Show comments