Valerie proud sa Sundance
MANILA, Philippines - Isa sa mga latest endorsements ni Valerie Concepcion ang Sundance Direct Sales at proud ang sexy actress-TV host dito. Ang Sundance ay isang papalakas na multi-level marketing na nakalinya sa distribusyon ng mga damit, sapatos, bags, cosmetics, accessories, at kagamitan ng mga bata.
Bilib si Valerie dahil layunin din ng kumpanya na matulungan ang bawat Pinoy na gustong magkaroon ng ekstrang pagkakakitaan. Hindi rin pinababayaan ang mga sales agents at staff dahil sa magandang training at siyempre ang mga customers na binibigyan ng mura pero may mataas na quality ng mga produkto ng Sundance.
Sa 11 taon ng kumpanya, lumaki na ang kanilang dealership, may higit sa 500,000 dealers at may 16 branches sa Luzon, Visayas, at Mindanao at may 400 local outlets sa buong bansa.
Sa ngayon, misyon din ng Sundance na ikalat sa buong mundo ang galing ng mga produkto kaya may distribusyon din sila sa Hong Kong, Dubai, Saipan, UAE, Qatar, Oman, Abu Dhabi, at Singapore.
- Latest