Impostor... makikilala na!

MANILA, Philippines - Sa unang anibersaryo ng programang nagpakilig at nagpaibig sa bawat Pilipino — ang Precious Hearts Romances Pre­sents, ini­hahandog ang seryeng hango mula sa isang Martha Cecilia Classic — ang Impos­tor. Kuwento ito ng isang ba­baeng napilitang akuin ang pagkatao ng iba at mapamahal sa asawa nito.

Ngayong taglay niya ang kagandahang pina­pantasya, paano kung ang mukhang ito’y hindi sa kanya?

Ang panghapong teleseryeng ito’y pi­nag­­bibidahan nina Sam Milby at Maja Sal­vador. Ipinakilala ang PBB Double Up big winner na si Melai Cantiveros at PBB third big pla­cer Jason Francisco. Tampok sina Jon Avi­la at Precious Lara Quigaman sa isang mas matapang at ’di malilimu­tang pag­ganap. Ka­sama rin sina Bobby An­drews, Long Me­jia, Yayo Aguila, Raquel Villavicencio, at Izzy Canillo.

Maraming “una” sa proyektong Im­pos­tor. Unang tambalan nina Maja at Sam. Unang pag­sabak sa drama ng mga reality stars na sina Melai at Jason. Higit sa lahat, ito ang unang pagkakataon ng Drama Sweetheart na si Maja na gampanan ang dalawang papel — ang probinsyanang si Devin at ang sikat na modelong si Mariz.

Isang acting challenge na matapang na tinanggap ng aktres. “Excited ako dito sa Impostor,” pagbabahagi ni Maja, “kasi may dalawang magkaibang karakter ako dito. Si Mariz, sobrang sexy; si Devin naman kengkoy.”

Komento naman ni Maja sa sa makakatambal sa unang pagkakataong si Sam, “Masuwerte ako kasi sa dami ng mga artista sa generation namin ngayon, pumayag si Sam na ako ang makapareha.

Maging ang Prinsipe at Prinsesa ng Masa na sina Jason at Melai ay excited sa kanilang unang pagsabak sa drama. “Sobrang saya ko talaga. Una kasama ko ang mga idol ko na sina Maja at Sam. Tapos binigyan kaagad kami ng pag­kakataon sa isang teleserye,” ayon kay Jason na gaganap bilang ang simpleng mangingisdang si Popoy.

Ayon naman kay Melai, na gagampanan din ang papel na Devin, “Sobrang bait (nina Sam at Maja). Love na love nila kami kasi palagi nila kaming gina­ga­bayan. Napakarami na po nilang naituro sa amin na iba’t ibang style at technique sa drama.”

Ang natatanging obrang ito ay sa direksyon ni Jerome Chavez Pobocan. Abangan ang bagong mukha ng pag-ibig, Impostor, weekdays sa Hapontastic simula ngayong Lunes, May 17, 3:45 p.m., pagkatapos ng PBB Teen Clash 2010 UBER.

Show comments