Mainit talaga ang paligid kay Willie Revillame.
Ngayon naman ay biglang may nakaalala: “Bakit si Kris Aquino lang ang gustong bigyan ng despedida party? Dapat si Willie Revillame rin, kasi sabi niya ’pag hindi niya maipanalo si Sen. Manny Villar, magre-retire o magre-resign siya.
“Pwes, gawin niya! Ngayon din! Share this text until it reaches Willie so he knows what the people feel about him.”
Buti naman may nakaalala. I’m sure may gagawa rin ng despedida account (social networking websites) for Revillame.
Oo nga naman. Bakit nila kailangang pag-initan si Kris samantalang presidente na ang kanyang Kuya Noynoy? Wala nang makapipigil sa gusto niyang gawin. Anyway, sayang hindi ko napanood ang Paparazzi kahapon. Nadagdag na na-host si Mo Twister at meron daw interview ni Willie Revillame. Pero may trending sa Twitter. And so far, maraming nega comments sa nasabing taped interview. Sinabi rin daw nito na: “Malalaman ng lahat kung ano ang desisyon ko. May takdang panahon para diyan. Ako po’y nagbabakasyon lang at may inaayos na problema. Ipagdasal n’yo po ako. Salamat sa suporta.”
Ganun. Akala ko ba magre-resign siya ’pag hindi tinanggal ang katotong si Jobert Sucaldito sa ABS-CBN? Hindi pa siya tinatanggal ah. So, dapat panindigan ng TV host ang kanyang hamon noon na kapag hindi tinanggal si Jobert ay magri-resign siya. Wala itong sinabing aalis siya, pero wala rin naman daw itong sinabi na babalik siya sa programa. Well, dapat may isang salita siya. Go. Mag-resign siya, tutal naman sinasabi niyang hindi lahat pera. Dapat may kasamang kaligayahan din.
* * *
May apat na bagong kuwento ang Agimat na yayanig sa Saturday primetime block ng ABS-CBN. Bibigyang buhay ng apat na batang aktor ang mga karakter na tumatak sa isipan at puso ng mga Pinoy — Jolo Revilla bilang Kapitan Inggo, Ejay Falcon bilang Pepeng Kuryente, Jason Abalos bilang Bianong Bulag, at Enchong Dee bilang Boy Putik. Sa kanyang pangalawang pagganap sa Agimat, muling sasabak si Jolo sa isa na namang mapaghamong karakter.
Samantala, ito naman ang magiging unang lead title roles nina Ejay, Jason, at Enchong na naging napaka-epektibo sa kanilang weekday primetime soap na Tanging Yaman at Agua Bendita. Patutunayan nila na deserving silang “lead star” material at aalagaan ang legacy ni Ramon Revilla Sr., ang nagpasikat ng mga naturang karakter. Partikular na inaabangan dito sina Enchong at EJ.
Si Enchong dahil matagal na siyang iniintriga sa pagiging malamya niya at si EJ na tsina-tsapter ang akting. Pero hopefully, maka-deliver sila ng mas bongga pa sa expectation ng lahat. Sina Jolo at Jason kasi, alam na ng lahat ang husay sa aktingan kaya wala nang nagtataas ng kilay kung bida man sila. Ang unang pinagbidahan ni Jolo, nakakuha nang pinakamataas na rating sa lahat sa naunang Agimat episodes.
Anyway ang Agimat ay umiikot sa kuwento ng apat na lalaki na magbabago ang buhay sa oras na matanggap nila ang agimat na may angking kapangyarihan: Si Kapitan Inggo na hindi maaaring tablan ng bala, si Bianong Bulag na may angking husay sa pamamaril, si Kapitan Kidlat na may kakayahang gumawa ng kidlat sa kanyang kamay, at si Boy Putik na kayang maging invisible. Action, suspense, romance, at drama ang kombinasyon ng mga palabas.
* * *
Singer na singer na talaga ang arrive ng ultimate hunk at prince of primetime ng GMA 7 na si Aljur Abrenica. Nadagdagan ng another feather on his cap nang mag-try siyang mag-host sa MYX Channel, bilang Celebrity VJ for the Month of May. “I’m delighted and honored to be chosen as MYX Celebrity VJ. It’s my first time to do this so I’m very excited,” Aljur said. Napanood si Aljur na nagbibigay ng top international tracks on Pop MYX noong first week of May. Napanood din siya sa Pinoy MYX. He gives his love advice on Mellow MYX from May 16 to 22 and he will read all requests on My MYX on May 23-29. Napanood din ang music video ng kanyang first single Sayang, Sayang. The video, which has a light and summery feel was shot in the famous Thunderbird Resort sa Rizal and was directed by one of the country’s most in-demand music video directors, si Mark Ocampo. Aljur’s self-titled album is now out at leading record stores under Sony Music and GMA Records.
* * *
Mas umariba raw ang rating ng Diva nang gumanda na si Regine Velasquez at lumabas sa soap si Dra. Vicki Belo. Mas naging interesting daw kasi ang kuwento.
Kung sabagay, nakakaaliw ang palabas dahil maraming kantahan na first sa TV. Kaya naman si Regine, kinakarir ang show kesehodang nalilipasan na ng gutom.