Mystica motivational speaker na!

MANILA, Philippines - Nagbabalik pagkatapos ng apat na taong pag­kawala sa showbiz ang kontrobersiyal singer na si Mystica pero hindi para kumanta kundi bilang isang motivational speaker.

Kung sabagay, pinatunayan na naman ng singer, dancer, model at actress ang kanyang pagiging arti­cu­late and outspoken sa kanyang mga dating shows, pero hoping siya this time, na makakapag­bigay siya ng inspirasyon sa maraming tao sa pama­ma­gitan ng kanyang abilidad na mag-motivate.

Nakipag-alyansa si Mystica (Ruby Rose Villa­nueva Cassidy sa totoong buhay) kay Rino Sol­berg na sinasabing isa sa most dynamic speakers/motivators sa Norway at author ng siyam na libro at audio/video program of personal development.

Si Solberg na chairman ng Better Globe Group of Companies sa Norway at Africa ay magsasalita tungkol sa How To Be Self-Motivated for Life Through Goals, How Positive Mental Attitude Will Change your Life, How To Get More Out of your Times, How To Eliminate Negative Stress, How Integrity will get the Best Result in any Work Situation and How You Can be a Winner.

Sa part ni Mystica, tatalakayin niya ang tungkol sa Passion for Work. “ The audience will see a different me, not only as a singer-dancer but most importantly as a motivator, to inspire people to become better persons, better achievers,” sabi ng singer na nakilala sa kanyang double meaning na mga kanta.

Gaganapin ang motivational seminar sa City Garden Suites (along Mabini St., Ermita, Manila) at ang kikitain ay mapupunta sa Mystica Foundation na kanyang binuo para matulungan ang mga street children sa bansa.

Para sa mga interesado na mag-join, call lang sa 536-14-51 to 59, 09088857288 or log on to www.mysticastar.come para sa detalye.

Show comments