Daisy, Angelica parehong nakatsamba sa pulitika

Dati nang nagbibida si Enchong Dee pero ‘di tulad ngayong itatampok siya bilang Boy Putik sa ikalawang sig­lo ng Agimat : Mga Alamat ni Ra­mon Revilla ng ABS-CBN, solo bida na siya. Magkaroon man siya ng ka­pa­­­reha, magiging su­porta na lang niya ito. Kaya baka hindi mag­karoon ng ka­tuparan ang wish niya na maka­pare­ha sa episode niya si Bea Alonzo.

First time mag-action ng cham­pion swimmer na kamakailan ay pina­ra­nga­lan ng La Salle bilang best at­h­lete. Sa pamantasang ito nag-gra­duate si Enchong sa kursong Developmental Studies. Para sa kanyang role, may mga dapat gawin si Enchong tulad ng pagbabawas ng pagkain dahil kahit panay ang swimming niya, panay din ang kain niya kaya medyo mabigat ang timbang niya.

Samantala, tungkol naman sa isyu sa pagitan ng sinasabing ka-on niya na si Erich Gonzales at An­­gelo Patrimonio, dapat hindi na niya kom­pron­tahin ang sinuman sa dalawa tungkol sa na­ka­­ra­an nila. Totoo man ito, nangyari ito before his time kaya walang obligasyon si Erich na ipagtapat sa kanya yun. 

* * *

Natuloy din pala si DJ Mo sa Juicy ng TV5. Bu­kod sa nasabing palabas na hino-host nina Cristy Fermin, Alex Gonzaga at IC Mendoza, mapapa­nood din siya sa Paparazzi nina Cristy pa rin, Ruffa Gutierrez at Dolly Ann Carvajal.

Mukhang ‘di na napigilan ng GMA 7 ang tulu­yang pag-alis ni DJ Mo sa Showbiz Central na siguradong maaapektuhan ng sinamahan niyang bagong programa. Pero hindi sa mga dating co-host niya siya gustong isabong ng Kapatid network kundi kay Kris Aquino ng The Buzz na sinasabing magkapareho ang istilo nila sa pagho-host, tuluy-tuloy, straightfor­ward, masaktan na ang masasaktan.

* * *

As expected mukhang malaking kabiguan ang daranasin ng mga umaasang tutuparin ni Kris Aqui­no ang sinabi niyang paninirahan ng US kapag nanalo ang kanyang kapatid sa pagka-presidente. Baka naman hindi niya inaasahan na mananalo nga ito dahil bakit siya magsasalita ng ganun gayong napakaganda ng kanyang career dito, reyna siya ng Kapamilya network, a most in-demand product endorser, asawa ng isang ka­sing-popular niyang personalidad at ina ng isang inaasahang magiging sikat na bata?

Hanggang ngayon talaga, pinagtitripan ng marami ang dating first daughter at ngayon ay first sister. Mabuti na lamang at kung mapagpatol man si Kris sa mga bagay na may kinalaman sa kanya at sa kanyang pamilya dedma lamang siya sa maraming pasaring na tinatanggap niya ngayon.

Oo nga naman, bakit siya paaapekto. Nana­na­lo ang kapatid niya at sa takbo ng bilangan, luluk­lok ito sa Malacanang. She can now leave him to fight his own battle pero kailangan pa rin nito ang suporta nilang magkakapatid. But she has to learn to give this ng walang masyadong funfare. Huwag na siyang mag-iingay dahil ang aani ng papuri at pamumuna ay ang kapatid niya. 

Incidentally, balik na naman si Kris sa kanyang paghu-host ng SNN kasama si Boy Abunda. Kahit parang desimulado pero halatang nagpa­pagandahan ng damit at nagpapagalingan sa pagiging co-host ni Boy sina Mariel Rodriguez, Toni Gonzaga at Bianca Gonzales, iba pa rin ka­­pag si Kris ang bumirada, ‘di lamang ang gu­mawa ng damit niya ang ipinamamarali nito kundi magkaminsan, ang halaga ng mga ito.

* * *

Walang kaingay-ingay pero tumakbo din pala ngayong eleksiyon ang dating Bb. Pilipinas World 2006 at Mrs. World Philippines 2009 na si Daisy Reyes. Tumakbo itong konsehal sa Pateros at nanalo naman. 

Nanalo na rin finally sa kanyang political bid si Angelica Jones para maging board member sa Laguna. Nabiyayaan din ang efforts niya. Nanalo rin siya kaya siguro mas dadalang pa ang ap­pearance niya sa mga showbiz gatherings.

Show comments