Daisy, Angelica parehong nakatsamba sa pulitika
Dati nang nagbibida si Enchong Dee pero ‘di tulad ngayong itatampok siya bilang Boy Putik sa ikalawang siglo ng Agimat : Mga Alamat ni Ramon Revilla ng ABS-CBN, solo bida na siya. Magkaroon man siya ng kapareha, magiging suporta na lang niya ito. Kaya baka hindi magkaroon ng katuparan ang wish niya na makapareha sa episode niya si Bea Alonzo.
First time mag-action ng champion swimmer na kamakailan ay pinarangalan ng La Salle bilang best athlete. Sa pamantasang ito nag-graduate si Enchong sa kursong Developmental Studies. Para sa kanyang role, may mga dapat gawin si Enchong tulad ng pagbabawas ng pagkain dahil kahit panay ang swimming niya, panay din ang kain niya kaya medyo mabigat ang timbang niya.
Samantala, tungkol naman sa isyu sa pagitan ng sinasabing ka-on niya na si Erich Gonzales at Angelo Patrimonio, dapat hindi na niya komprontahin ang sinuman sa dalawa tungkol sa nakaraan nila. Totoo man ito, nangyari ito before his time kaya walang obligasyon si Erich na ipagtapat sa kanya yun.
* * *
Natuloy din pala si DJ Mo sa Juicy ng TV5. Bukod sa nasabing palabas na hino-host nina Cristy Fermin, Alex Gonzaga at IC Mendoza, mapapanood din siya sa Paparazzi nina Cristy pa rin, Ruffa Gutierrez at Dolly Ann Carvajal.
Mukhang ‘di na napigilan ng GMA 7 ang tuluyang pag-alis ni DJ Mo sa Showbiz Central na siguradong maaapektuhan ng sinamahan niyang bagong programa. Pero hindi sa mga dating co-host niya siya gustong isabong ng Kapatid network kundi kay Kris Aquino ng The Buzz na sinasabing magkapareho ang istilo nila sa pagho-host, tuluy-tuloy, straightforward, masaktan na ang masasaktan.
* * *
As expected mukhang malaking kabiguan ang daranasin ng mga umaasang tutuparin ni Kris Aquino ang sinabi niyang paninirahan ng US kapag nanalo ang kanyang kapatid sa pagka-presidente. Baka naman hindi niya inaasahan na mananalo nga ito dahil bakit siya magsasalita ng ganun gayong napakaganda ng kanyang career dito, reyna siya ng Kapamilya network, a most in-demand product endorser, asawa ng isang kasing-popular niyang personalidad at ina ng isang inaasahang magiging sikat na bata?
Hanggang ngayon talaga, pinagtitripan ng marami ang dating first daughter at ngayon ay first sister. Mabuti na lamang at kung mapagpatol man si Kris sa mga bagay na may kinalaman sa kanya at sa kanyang pamilya dedma lamang siya sa maraming pasaring na tinatanggap niya ngayon.
Oo nga naman, bakit siya paaapekto. Nananalo ang kapatid niya at sa takbo ng bilangan, luluklok ito sa Malacanang. She can now leave him to fight his own battle pero kailangan pa rin nito ang suporta nilang magkakapatid. But she has to learn to give this ng walang masyadong funfare. Huwag na siyang mag-iingay dahil ang aani ng papuri at pamumuna ay ang kapatid niya.
Incidentally, balik na naman si Kris sa kanyang paghu-host ng SNN kasama si Boy Abunda. Kahit parang desimulado pero halatang nagpapagandahan ng damit at nagpapagalingan sa pagiging co-host ni Boy sina Mariel Rodriguez, Toni Gonzaga at Bianca Gonzales, iba pa rin kapag si Kris ang bumirada, ‘di lamang ang gumawa ng damit niya ang ipinamamarali nito kundi magkaminsan, ang halaga ng mga ito.
* * *
Walang kaingay-ingay pero tumakbo din pala ngayong eleksiyon ang dating Bb. Pilipinas World 2006 at Mrs. World Philippines 2009 na si Daisy Reyes. Tumakbo itong konsehal sa Pateros at nanalo naman.
Nanalo na rin finally sa kanyang political bid si Angelica Jones para maging board member sa Laguna. Nabiyayaan din ang efforts niya. Nanalo rin siya kaya siguro mas dadalang pa ang appearance niya sa mga showbiz gatherings.
- Latest