^

PSN Showbiz

Lovelife ni Maxene pinakialaman ng nanay

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Isa ako sa mga nanghihinayang na nabuwag na ang grupong Sexbomb. Puwede pa itong nagtagal pero malaking factor yung pagkaka­tang­gal ng seryeng Daisy Siete, bigla, nawalan ng ex­posure ang maraming gustong sumunod sa yapak nina Rochelle Pangilinan, Jopay Paguia, Izzy Tirazona at Sunshine Garcia. With DS out, paano pa sila sisikat, makikilala? Magsayaw man sila nang magsayaw, they will always be known as part of the Sexbomb pero, hindi individually.

I’m sure hindi ito end ng Sexbomb, marami pa rin silang magiging projects, ‘yun nga lang yung chance na makapagpasikat ng isa pang Rochelle Pangilinan ay lumiit na.

* * *

Hindi yata pinayagan ang hiling ng host ng Wo­wo­wee sa Dos na magbakasyon siya ng six months. Ang puwede niyang gawin kung ayaw na niyang magtrabaho dito ay iwan na ito para naman makahanap ng bagong host ang kum­panya at maka-adjust sa pagkawala niya.

I heard magi-guest siya sa kalabang istasyon. Walang masama rito kung magi-guest lang siya.

Willie naman for his part ay puwedeng naging matapang at iwan ang show, kesa naman ma­na­nakot siyang magsasalita sa kalabang istasyon at pakiramdaman ang epekto nito sa kinaaaniban niyang network.

* * *

Nanay pala ni Maxene Magalona ang tutol na gawing loveteam ang anak niya at ang Lone Sur­vivor na si JC Tiuseco. Naniniwala siya na hin­di magiging healthy sa career ng kanyang anak ang ma-associate sa iisa lamang na leading man. Hindi kaya natatakot siya na ma-in love ang anak niya sa actor. Dito na raw papunta ang relasyon ng dalawa nang magpasya siyang gumitna. At bilang isang mabuting anak, sunud-sunuran lamang sa kanya si Maxene,

* * *

Okay lang yung parang pagbabago ng image ni Gerald Santos, from a Kundiman singer to a pop star pero sana hindi niya ma-overboard. Kung minsan kasi, parang he tries too hard. Tuloy ‘yung totoong galing niya ay nasisira, umiiba ang diskarte niya at nagiging parang TH.

‘Yan namang pagiging pop star ay wala sa pagkanta lang, nasa attitude din. Dapat relax lang siya. Wala siyang dapat ipag-alala dahil magaling na siya. 

DAISY SIETE

GERALD SANTOS

IZZY TIRAZONA

JOPAY PAGUIA

LONE SUR

MAXENE MAGALONA

ROCHELLE PANGILINAN

SEXBOMB

SHY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with