Umalis last Wednesday night si Regine Velasquez para sa US/Canada Tour nila ni Ogie Alcasid, pero buong Tuesday, nagti-taping pa siya ng Diva. Totoo ang sinabi nitong ang sinu-shoot nila ay agad ipinalalabas dahil ang episode na kinunan ni Direk Dominic Zapata noong Martes ay ipinalabas noong Wednesday.
Bago umalis, kinunan muna ang eksenang gumanda na si Sam (Regine) at makikilala na siyang si Melody at sisikat na singer. Marami pang sorpresa sa viewers ng Diva at katunayan, marami pa silang gustong i-guest at isa na rito si Richard Gutierrez na schedule lang ang problema para matuloy.
Samantala, nilinaw ni Regine na wala silang conflict ni Direk Louie Ignacio at hindi siya o ang nabalitang hindi niya pagre-rehearse ang isa sa mga rason sa pagre-resign nito sa Party Pilipinas. Siya pa nga raw ang gustong mag-rehearse at nai-stress lang siya ‘pag pinapakanta ng songs na hindi niya forte.
Ibinalita rin nito na finally, matatapos na ang movie nila ni Aga Muhlach at gagawa siya ng indie movie na Mrs. Recto at gagawin ang lahat para makagawa ng album dahil ang last album niyang Low Key ay two years ago pa na-release. Pinaplano rin nilang mag-release ng soundtrack ng Diva.
* * *
Iyak nang iyak ang mother ng isang aktres habang kausap namin dahil nawala ang mamahaling bracelet na regalo sa kanya ng aktres. Hindi nito alam kung paano sasabihin sa anak na nawala ang regalo niyang milyon ang halaga.
Kaibigan ng ina ng aktres ang pinaghihinalaan nitong kumuha ng bracelet at ang taong ‘yun lang ang kasama niya the whole day hanggang madiskubreng nawala ang bracelet. Itinanggi ng kaibigan na siya ang kumuha ng bracelet at open siya sa lie detector test para patunayang wala siyang ninanakaw.
Gusto rin ng ina ng aktres na ipa-blotter sa NBI ang kaibigan para mapilitan itong ilabas ang alahas. Pero natatakot din siyang malaman ang totoo’t tiyak maaapektuhan ang friendship nila. Nahihiya rin siya sa anak at baka sabihing hindi pinapahalagahan ang regalo sa kanya and worst, baka akalain nitong isinangla niya ang bracelet.
* * *
May ginawang post-election song si Ogie Alcasid entitled Bagong Pilipinas at sa pamamagitan ng awitin, umaasa siyang mag-unite na ang mga Pinoy para sa isang bagong bansa at kalimutan na ang pulitika.
Katulong niya sa pagbuo ng kanta ang magaling na singer-composer na si Noel Cabangon at pumayag si Ryan Cayabyab na i-areglo ang awitin. Hindi nabanggit ni Ogie kung sila rin ni Noel ang kakanta ng Bagong Pilipinas o ipapakanta nila sa ibang singer.
* * *
Ngayong Friday sa The Last Prince, ire-revive ni Jerrick (Carl Guevarra) si Lara the hamster at mabubuhay ang daga! Maghaharap na sina Lara at Bawana (Bianca King), maglalaban ang dalawa, wala lang panama si Lara sa power ng kalaban at da rating si Almiro (Aljur Abrenica).
Nalalapit na ang eclipse at permanente na ang sumpa kina Almiro at Lara. Sa mundo ng mga tao, nawala na ang sumpa kay Adela (Eula Valdez) dahil kay Rizayo (Benjie Paras).