Elmo M. guguluhin sina Barbie at Joshua

Hindi naman siguro tinototoo ni Dennis Trillo ang pananakit kay Rocco Nacino. Balitang nagkapasa-pasa ang StarStruck V finalist sa isa nilang fight scene ni Dennis para sa seryeng Gumapang Ka sa Lusak.

Pero kung totoo ito, sana nagreklamo na si Rocco. In fact, natutuwa pa ito dahil idol niya si Den­nis at ang almost real fight na ginawa nila ay nag­paganda sa kanilang eksena. Hindi naman siguro napaka-insecure ni Dennis na pagselosan ang isang tao dahil lamang sinabi nitong may crush ito sa girlfriend niya.

* * *

Hindi na si Jake Vargas ang ka-love triangle nina Joshua Dionisio at Barbie Forteza sa susunod nilang programa na Pilyang Kerubin sa GMA 7.

Si Elmo Magalona na ang pumalit sa puwesto ni Jake na bibigyan ng network ng sarili niyang project. Pero bago ito, magtatapos muna siya ng kanyang album.

Hindi ba masyadong bata si Elmo para maka-triangle ng dalawa? Pero siguro magagawan na ito ng paraan.

Ang biggest factor para makuha ni Elmo ang role ay ang kanyang kasikatan sa Party Pilipinas, ang mabilis na paglobo ng kanyang following at ang kanyang talent.

* * *

Katulad ni Patrick Garcia, ’di pa rin pala naki­kita ni Coco Martin ang anak niya kay Katherine Luna. Paano naman kikilalanin ng isang lalaki ang isang bata na ipinagkakait sa kanya ng ina nito? Paano magkakaroon ng lukso ng dugo?

Dapat ipinakikita ng mga nanay ang anak nila sa tatay nito. Kung itanggi ang bata ng ama nila, saka na nila ito ipagkait sa ama.  

Ang nangyayari kasi, nauunang umandar ang pride eh hindi naman kinabukasan nila ang ipinaglalaban nila kundi ang ki­na­bukasan ng bata. Ang nawawalan tuloy ay hindi sila kundi ang anak nila. If a mother can not or will not go to the father of her child and show the child to him dahil feeling nila nakawawala ito ng dignidad, imbitahin na lang niya ito para makita man lamang ang anak niya. Kapag tumanggi ito at saka na lamang siya gu­mawa ng kinakailangang hakbang.

* * *

Hoy Aljur (Abrenica) ayusin mo nga para hindi nag-aaway-away sina Rich Asuncion at Pauleen Luna! Okay lang sana kung parehas ang labanan, eh may grupo daw si Rich na tumutulong sa kanya kaya lumalabas na dehado si Pauleen.

Kung nililigawan mo man si Pauleen, dapat maliwanag na wala na kayo ni Rich, may closure na kayo at wala na siyang dapat ipagsentimyento. Baka lang sabay-sabay ka kung manligaw, kaya ayun, nag-aaway-away sila.

Show comments