Bistek nagpasalamat sa magandang pa-birthday
MANILA, Philippines - Hinihikayat ngayon ng bagong Quezon City mayor na si Herbert ‘‘Bistek’’ Bautista ang mga kapwa kandidato sa lungsod na maging ‘‘sport’’ at tanggapin nang maluwag ang kapasyahan ng taumbayan. Mas maganda kung magkakaroon ng pagkakaisa ang lahat.
Nananawagan din si Bistek sa kanyang mga kalaban sa pulitika na huwag nang magsagawa pa ng anumang kilos-protesta.
Samantala, matapos maiproklama ng COMELEC si Mayor Herbert ng Liberal Party kahapon ay nagpaabot siya ng taos-pusong pasasalamat sa lahat ng kanyang mga kaibigan at supporters na tumulong sa kanyang kandidatura.
Kaarawan pa ngayon ni Bistek at magiging memorable ang kanyang 42nd birthday celebration dahil sa pagkakahalal niya bilang alkalde ng Kyusi.
- Latest