ABS-CBN pinagkakatiwalaan ayon sa Reader's Digest

MANILA, Philippines - Pinarangalan ng Gold Award sa Reader’s Digest Most Trusted Brands 2010 ang ABS-CBN matapos iboto ng mga konsumer bilang isa sa pinaka-pinagkakatiwalaang TV station sa bansa.

Tinanggap ni ABS-CBN vice president for Corporate Communications Bong Osorio at ABS-CBN vice president for Creative Communications Management Robert Labayen ang parangal noong Biyernes (April 30) sa New World Hotel, kung saan dumalo ang mga kinatawan ng ilan sa pinakamalaking kumpanya sa Pilipinas.

Ayon kay Osorio, pinatunayan ng parangal na ito ang sinasabi rin ng ibang organisasyon tungkol sa ABS-CBN. “Tulad ng mataas na ratings ng ating mga programa sa TNS at ng pag-top natin sa survey ng Pulse Asia pagdating sa kredibilidad sa pagbabalita, ipinapakita ng award na ito mula sa Readers’ Digest na ABS-CBN ang pinipili ng nakararami pagdating sa magaganda at de-kalidad na programa,” aniya.

Labindalawang taon nang nagbibigay ng para­ngal sa mga kumpanya o brand na pinagkaka­tiwa­laan at pinaniniwalaan ng mga consumers ang Reader’s Digest, na pinakamalaki ang sirkulasyon sa lahat ng magazine sa mundo. Bukod sa Pilipinas, inaantabayanan din ang award na ito sa Hong Kong, India, China, Malaysia, Singapore, Taiwan, at Thailand.

Show comments