Pakikipagbati ni Osang sa mga Revilla pinagdududahan

Marami sa mga dating malapit sa re­porter-friends ni Rosanna Roces ang diskumpiyado sa gi­nawang peace offering nito kamakailan sa pa­milya Revilla, most specially kay Lani Mer­­­cado. Hindi dahil hindi kami naniniwala sa gasgas nang linyang ‘‘let’s give peace a chance,’’ kundi sa ka­rakter ni Osang who’s known for saying one thing and doing another.

Sa mga unprintables na pinaka­walan noon ni Osang laban sa mag-asawang Se­na­tor Bong at Lani (even the one episode of Juicy which was not aired), mahirap paniwalaan that Osang has shifted from bad to good image at a snap of a finger!

If Rome was not built in a day, Ro­san­na’s char­acter could not be rebuilt over­night. Duda nga ng ma­­rami, there had better be a compelling rea­son kung bakit nakipagbati si Osang sa mga Revilla. Hindi kapani-pa­niwala na isinasangkalan niya nga­­yon ang kanyang apo at ang kapakanan nito.

Matatandaang ito nga ang naging ugat ng paghu­hura­mentado niya noon, hindi pa man isi­nisilang ang bata.

* * *

Nagsimula na noong Sabado, pero marami pang Sa­bado ang bubusog sa mga tumatangkilik ng pi­natindi pang Gusto Ko Noon noontime block ng TV5 as two of its top-rating Koreanovela have begun marathon airing.

Mula alas-onse ng umaga hanggang ala-una ng hapon ang First Wives Club, samantalang from 1 to 3 p.m. naman ang Smile Honey. Ma­rathon airing provides the viewers a longer, more engaging time to enjoy the episodes they may have missed.

Pero sa apat na Koreanovelang handog ng TV5 mula Lunes hanggang Sabado, pulling away ang itinatalang ratings ng My Wife is a Super­woman, eating up a large chunk of au­dience share on the 11:45 a.m. time slot.

* * *

Much has been said and written about Willie Revillame’s highhandedness sa isyung kina­sa­sangkutan nila ng kaibigang Jobert Sucaldito. Nung araw na inaasahan marahil ng aroganteng TV host na wala na ang anino ni Jobert sa ABS-CBN, hayun ang aming long-haired friend in an all-white ensemble hosting the grand presscon of Rosalka!

Bale ba, ang ibang mga kaibigan ko sa na­turang istasyon are rooting for Jobert sa halip na ma­kisimpatya sila kay Willie. Hindi ko na gi­natungan si Jobert sa ‘‘given’’ nang kaya­ba­ngan ng kanyang kaaway, bagkus alam kong flattered ito sa kanyang leveled-up sta­ture. Imagine, pinag-aksayahan siya ng air time ni Willie?

Tawa nga lang nang tawa si Jobert, knowing him, he’s enjoying every ounce of Willie’s tirade. Le­veling na rin lang ang pinag-uusapan, feeling ko, Jobert is the real-life counterpart of Rosalka (played by Empress) na inaapi-api, kinukutya at hi­nahamak pero mahal ng Diyos.

Unlike Willie who, in real life, is an anti-hero. Ala­­lahanin niya, tapos na ang elek­siyon… if you know what I mean, Salve dear.

Show comments