Ogie walang balak maging pulitiko
Wala naman sigurong halong selos sa parte ni Dennis Trillo nang totohanin ang pagsapak kay Rocco Nacino sa eksena nilang nag-uumbagan sa Gumapang Ka Sa Lusak. Very vocal kasi noong una si Rocco sa pag-aming crush niya si Jennylyn Mercado na karelasyon ni Dennis ngayon and for sure, alam ito ni Dennis.
Gusto lang daw ni Dennis na matuto si Rocco at makapag-react ng natural, kaya tinotoo ang mga suntok. Pero nagulat pa rin si Rocco dahil walang nag-abiso sa kanya sa gagawin ni Dennis.
* * *
Kasama si Jewel Mische sa cast ng Pilyang Kerubin na pagbibidahan nina Barbie Forteza at Joshua Dionisio after First Time. Ibinalita ni Jewel sa kanyang Twitter account ang naganap na storycon last Friday ng bagong soap to be directed by Andoy Ranay.
Ngayong may show na uli sa GMA 7 si Jewel, hindi na siguro nito nanaising lumipat ng ibang network gaya nang nati-tweet niya dati na kundi pa siya bibigyan ng trabaho ng istasyon, baka maghanap siya ng trabaho sa ibang network.
Samantala, wala raw siyang (si Jewel) masamang ibig sabihin at ‘di siya nagtataray sa na-tweet na “bakit may mga reporters ‘pag nagtanong parang may ini-expect palagi na dapat mong isagot??? Explain???
Sinagot namin si Jewel na bilang reporters, trabaho nating magtanong at kumuha ng sagot. Obviously, natanong na naman siya sa relasyon niya sa isang sikat na actor sa storycon na hindi niya deretsahang masagot. “May mga questions that we (actors) can’t answer boldly…like in my case (you know what I mean).”
Dagdag pa ni Jewel, alam naman daw ng press ang situation niya at ayaw niyang ma-offend ang press.
* * *
Pumunta sa Ormoc City kahapon si Ogie Alcasid para suportahan si Lucy Torres-Gomez na pumalit kay Richard Gomez bilang kandidato ng 4th District ng Leyte. Walang kapaguran si Ogie sa pagtulong sa mga kaibigan dahil sa mga nakaraang araw, sumama naman siya sa All-Star Caravan para kay Sen. Noynoy Aquino.
Ang maganda lang, kahit exposed sa politics, walang balak pumasok sa pulitika si Ogie. Masaya na siya sa buhay niya sa showbis na kumakanta, umaarte at gumagawa ng kanta.
- Latest