MANILA, Philippines - Kahit grabe ang init ng panahon ay hindi napigilan ang mga parlorista at salon owners ng bansa para dumalo sa FilHair Co-op 26th Hair and Make Up Trends na ginanap sa Philtrade Center noong Abril 28.
Inimbitahan ng pangulo ng Filipino Hairdressers Co-op (FilHair) at Asia Pacific Hairdressers and Cosmetologists Association (APHCA) Ricky Reyes ang mga sikat na parlorista galing sa ibang bansa para maging hurado. Ang mga naging head judges ay sina Johnny Tai ng Taiwan at Son Kang ng Korea.
Ang overall champion ay si Julius Curilan na magiging delegado ng Pilipinas sa APHCA competition sa Korea sa darating na Agosto. Ang iba pang nagwagi ay ang mga sumusunod:
MEN’S CUT AND BLOW DRY – champion Julius Curilan, 1st runner-up Benjie Galino, 2nd, Tetchie Santos, at 3rd, Thristan Villanueva.
LADIES’ CUT AND BLOW DRY – champion Jackie Von Cadullo, 1st runner-up Horizon Olivar, 2nd, JR Lukban, at 3rd, Jimmy Catalan.
COMMERCIAL MAKEUP – champion Bong Acosta, 1st runner-up Rolando Liwag, 2nd, Brian Santos at 3rd, Rolly Catingco.
BRIDAL MAKE UP – champion Ricky Cristobal, 1st runner up Edward Doblado, 2nd, Carmi Dungo at 3rd, Joed Sombillo.