MANILA, Philippines - Papalapit na ang halalan at ora de peligro na para sa mga kandidatong desperadong makakuha ng boto masigurado lang ang panalo. Magiging malinis kaya ang halalan ngayong Mayo 10?
Samahan si Ted Failon ngayong Sabado (Mayo 8) sa Failon Ngayon Halalan 2010 Live Pre-election Coverage kung saan babantayan niya ang iba’t ibang election hotspots ng bansa kabilang na ang Cavite, Abra, Taguig at Maguindanao kung saan naganap ang marahas na Ampatuan Massacre.
Kaugnay pa rin ng halalan ay nagsagawa ang Failon Ngayon ng mock election kung saan gumamit sila ng aktuwal na balota mula sa COMELEC. Makakapanayam din ni Ted si Commissioner Rene Sarmiento live mismo sa tanggapan ng COMELEC para sa mga last minute na katanungan bago sumabak ang mga mamamayan sa botohan sa Lunes.
Owen Wilson nagbigay-boses sa aso
Kasunod ng mga pampamilyang pelikulang Alvin and the Chipmunks at Garfield na live-CGI ay ang pinakabagong handog ng 20th Century Fox na Marmaduke.
Sa pelikulang Marmaduke, bida si Owen Wilson bilang boses ng isang asong great dane na si Marmaduke. Si Marmaduke ay alaga ng pamilyang Winslow na lumipat sa isang bagong lugar. Sa kanyang mga among Debbie (Judy Greer) at Phil (Lee Pace), ang paglipat nila ay hindi madaling desisyon, ngunit para kay Marmaduke, nakita niya ito bilang isang bagong pagkakataon upang makapag-explore.
Sa kanilang bagong bahay at lugar na tinitirahan, may mga bagong naging kaibigan si Marmaduke at dito rin niya nakita ang asong sa tingin niya ay ang kanyang perfect match.
Itinatampok din ang mga boses ng mga kilala at magagaling na Hollywood personalities na sina Kiefer Sutherland, Amanda Seyfried, Christopher Mintz-Plasse, at Black Eyed Peas’ Stacy “Fergie” Ferguson.
Ang Marmaduke ay ipapalabas na sa mga sinehan sa June 4 mula sa 20th Century Fox.