MET kailangan ng magdo-donate ng silya

Sa pagbubukas muli ng Metropolitan Theater o MET na binasbasan kamakailan, mas lalong nadag­dagan ang bigat ng responsibilidad na kailangan na­ming dalhin para ilagay ang lugar in top shape.

Unang-una na kailangan ng malaking pondo. Ma­ra­­ming dapat kumpunihin sa MET na manga­nga­ila­ngan ng malaking pera. Oo nga at nagbibigay ng pon­­­do ang gobyerno pero hindi pa rin ito sapat para ma­ibalik ang MET sa kanyang dating magandang ka­a­yusan.

Sa akin na-assign ang paglagay ng mga silya sa loob ng teatro, 700 silya ang kailangan. Kaya wala akong pinalalampas na kakilala at kaibigan, lahat hini­hi­ngian ko ng donasyong silya. May mga nagbigay na ng pangako.

Si Richard Gutierrez, nangakong mag­bibigay ng 20 silya. Huwag n’yong hamakin, ma­hal ang halaga ng bawat silya, kaya nga kakaunti ang makaka-afford! Kung mura lang ito, baka hindi mahirap mangalap ng 700 chairs. Hindi kasi ito ordinaryong silya, ito ’yung mga inu­upu­an sa mga sine­han na may makapal na up­holstery, may armrest, at may makapal na bakal na mga paa.

Ilan pa sa mga nangakong magbibigay ay sina Mike Enriquez,10; Dingdong Dantes, 20; Joel Cruz, 50; Howard at Tess Celestino, 4; Isko Moreno, 80; Pugad Lawin ng Calamba, 4; at Gabby Con­cep­cion, 20. Magbibigay din daw ang GMA 7 kaya hihin­ta­yin ko na lang.

Tinatawagan ko pa rin ang lahat ng mga kapatid sa hanapbuhay, kung kaya ng bulsa n’yo, mag-spon­sor naman kayo ng chair para sa MET.

* * *

Hindi buntis si Regine Velasquez. Talagang na­sob­rahan lang ito ng pagod kaya hinimatay sa taping ng Diva. Tapos sinabayan pa ng migraine.

May kakilala nga akong may migraine na kapag ina­­atake nito ay tatlong araw hindi nakakalabas ng bahay. Matagal kasi bago mawala ang sakit ng ulo at ang hilo na dulot nito. Bawat hibla ng kanyang buhok ay nag­ dudulot ng sakit kahit mahipan man lang ng hangin.

Sana nga totoong buntis na siya para magkaroon naman ng fulfillment ang relasyon nila ni Ogie Alcasid. Pero hindi, talagang may sakit lang siya at pagod lang talaga.

* * *

Congratulations kay JayR, nagbunga rin ang kan­yang pagtitiyaga at pagiging pasensiyoso, may hino-host na siyang sarili niyang programa sa GMA, ang dating game na Take Me Out, na napapanood araw- araw.

Bagay si JayR sa nasabing show, nakakaya niyang dalhin ito at nagagawa pang interesting ang kanyang tra­baho at ang show. Before Take Me Out, walang nag-akalang puwede pala siyang host, ngayon lang.

Show comments