^

PSN Showbiz

Sam pinagpuyatan ni Dra. Belo

-

MANILA, Philippines - Pumasok na ang character ni Doktora Vicki Belo sa Diva ng GMA 7. Gagampanan niya ang sarili niya - bilang isang pamosong cosmetic surgeon na magpapaganda kay Sam, ang character naman ni Regine Velasquez.

Abangan kung paano maaalis ang malalaking kulugo sa mukha ni Sam para maging maganda siya. Sa sandaling maging singing diva na siya, magiging si Melody na ang character niya.

Sa loob mismo ng Belo clinic sa Morato nag-taping ang Diva, kung saan gagawin ni Doktora Belo ang mga importanteng procedures para pagandahin si Sam. Nakuhang mapa-arte ng director na si Dominic Zapata sa harap ng camera ang sikat na doktora kasama si Regine.

Dalawang araw nag-taping si Doktora Belo na inabot hanggang mada­ling araw, pero game na game siya sa kanyang mga eksena. In between breaks, makikitang nag-aaral pa siya ng kanyang script para sa kanyang mga dialogue.

Hindi lang pagagan­dahin ni Doktora Belo si Sam sa Diva, aampunin pa ng mabait na doctor si Sam, na nangangarap na maging sikat na singer.

Anyway, heto ang mga eksena na dapat abangan :

Masyadong atat si Sam na makita na ang it­sura niya kahit may ben­da pa sa mukha.

Maiimbitahan si Elvis na maging guest s­pea­ker sa tahanang walang haligi. Tila inis si Tiffany na isang ‘talent’ lang ang tingin sa kan­ya ni Martin.

Patuturuan kay Smith na sumayaw ang mga in-mates.

Isasama ni Dra. Vicki Belo si Sam sa ta­ha­nang walang haligi. 

Ikukuwento ni Elvis kay Paula ang babaing nakabenda na parang si Sam.

Aaminin ni Sam kay Dra. Vicki Belo na tatay niya si Elvis.

May abogadong tutu­long kay Smith sa tulong ni Dra. Vicki.

Muntik nang masi­sante si Gary. Sisitahin niya si Eva at muntik nang sabihin ni Ma­nag­glo na si Eva ang tunay niyang ina.

Tatanggalin na ni Dr. Rey Toke ang benda ni Sam.

Ang Diva ay ang ka­una-unahang kanta-serye sa Philippine tele­vision na mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes, 9:30 ng gabi sa Kapuso network.

vuukle comment

ANG DIVA

BELO

DOKTORA BELO

DOMINIC ZAPATA

DR. REY TOKE

DRA

EVA

SAM

SHY

VICKI BELO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with