Marian at Dingdong kinanta ang theme song ng ABS-CBN show

Hindi naman daw na-call ang attention nina Marian Rivera at Dingdong Dantes sa pagkanta ng theme song ng soap ng ABS-CBN na Kung Tayo’y Magkakalayo dahil nangyari ‘yun sa rally sa San Andres, Manila at kasama nilang kumanta si senatoriable Risa Hontiveros.

Weird lang na kinakanta nina Marian at Dingdong ang theme song ng soap ng ABS-CBN dahil GMA 7 talents sila, pero naintindihan daw ng network na biglaan ang pangyayari.

Anyway, gaya ni Regine Velasquez, pagod din sina Marian at Dingdong sa paga-advance taping ng Endless Love : Autumn In My Heart dahil aalis sila sa May 12 with Regine and Ogie Al­casid at sa first week ng June pa ang balik. Sa kaso ni Marian, dagdag na work load ang taping ng Show Me Da Manny at noong isang araw, nasa Batangas ito.

Noong Monday nag-first taping day sina Marian at Dingdong ng Endless Love at kasama nila si Dennis Trillo. Sina Marian at Dingdong muna ang may mga eksena. Malapit lang ang location, pero bawal isulat at baka sumugod ang fans, ma-stress si direk Mac Alejandre.

Busy ang 2010 ni Marian at pagkatapos ng You To Me Are Everything, gagawin niya sa Regal Films ang Super Inday para sa Metro Manila Film Festival. Tuluy-tuloy din ang dating ng endorsement offers at puwede nang isulat na siya ang bagong Honda motorcycle endorser.

Nag-renew din ang isa pang endorsement na magkasama sila ni Dingdong at magkasunod nitong isu-shoot ang TVC ng dalawang produkto.

Kahapon din ang first day showing ng You To Me Are Everything na graded B ng Cinema Evaluation Board.

* * *

Maiinit na ang ulo ng mga tao lalo na ‘yung supporters ng mga kandidato dahil sa lintek na survey na ‘yan. Nabalitaan naming uminit ang ulo at na-offend ang isang celebrity endorser ng isang kandidatong tumatakbo sa mataas na posisyon dahil siya ang sinisi ng staff ng kandidato sa mababang ratings ng kandidato sa latest survey.

Hindi nga naman kasalanan ng celebrity en­dorser kung mababa ang ratings ng kandidato dahil ginagawa niya ang lahat para makahikayat nang boboto sa ini-endorse niya. Sobrang naapektuhan ang celebrity endorser at ‘di ginanahang mag­trabaho ng ilang araw nang malamang siya ang sinisisi ng staff ng kandidato dahil unfair nga naman sa kanya dahil marami silang endorsers, bakit nga naman na-single out siya?

Bakit ang ibang kandidato, hindi nagpa­pataranta sa survey result basta tuluy-tuloy ang pa­ngangampanya.

Nagtataka lang kami at iba naming kaibigan sa entertainment press dahil kahit isa sa amin, wala pang nalalapitan ng survey firm para tanungin ng mga iboboto. 

* * *

Pagkatapos sa Payatas, ang Baseco Com­pound sa Tondo Manila ang sunod na bibisitahin nina Sen. Loren Legarda at Sarah Geronimo. Fri­day naka-schedule pumunta sa Baseco ang da­lawa at inaayos na lang ng staff ni Sen. Loren ang schedule ni Sarah sa Viva Artist Agency.

Gaya nang ginawa sa Payatas, dadalhin din ni Sen. Loren sa Baseco ang Lingkod Loren kung saan, magpapakain siya sa mga bata at mag­bibigay ng libre at sari-saring serbisyo sa mga taga-roon. Hindi lang si Sen. Loren ang makikita ng mga taga-Baseco, tsansa na rin nilang makita ng personal si Sarah na nag-i-enjoy sa mga ganitong sortie.

Show comments