Barbie nakasungkit agad ng award

MANILA, Philippines - Tinanghal kamakailan ang batang aktres na si Barbie Forteza bilang New Female Star of the Year ng PMPC Star Awards for Movies.

Iniuwi ng young star ng Kapuso station ang tropeyo bilang pagkilala sa mahusay niyang pagganap bilang isang pipi sa indie film na Puntod (Baby’s Tomb) sa ilalim ng direksyon ng GMA reporter at 2007 MMFF Best Director Cesar Apolinario.

Nagsimula si Barbie bilang isang commercial model ng isang milk brand na siyang nagbigay daan para mapansin siya ng mga producers ng Puntod. Humanga ang mga ito sa husay ni Barbie na sa panahong iyon ay walang kahit anong experience sa pag-aartista.

Simula nito, sunud-sunod na ang mga proyekto sa telebisyon ni Barbie tulad ng Stairway to Heaven kung saan gumanap siya bilang batang Jodi, Dear Friend at ang kauna-unahan niyang primetime series na First Time.

Show comments