MANILA, Philippines - Ano ba, ang dami-dami namang kandidatong Party List. Nakakagulo pa sila sa magulo nang kampanya ang national and local candidates. Aba may ilang party list na mas bongga pa ang mga poster na nagkalat sa mga pader ng bahay. Grabe.
* * *
Immigrating to the U.S. bilang Alien of Extraordinary Ability (EB-1 visa) ang option ngayon ng maraming artista.
Pero niliwanag ito ni Atty. Jamela A. Nettles, isang Immigration lawyer na available ito to anyone hindi lang naman sa mga artista.
Actually si Atty. Jamela ang tumulong para ma-popularize ang EB-1 option at kasama sa mga nauna niyang hinawakang high profile cases ay ang sa mag-asawang sina Dingdong Avanzado and Jessa Zaragoza, April Regino, Marco Sison, Jolina Magdangal, marami pang iba at ang pinaka-last ay si Ms. Lorna Tolentino.
Naging clients din niya at tinulungang makakuha ng O-1/P-1 visas sina Karylle, Jed Madela among others.
Anyone who has excelled sa kanyang napiling mundo – sports, arts, sciences, academia, business, media ay eligible daw for a green card.
Para ma-qualify, ayon pa sa abogada, applicant must have been practicing his craft for a length of time sufficient enough to demonstrate ‘sustained national or international’ claim.
Sinabi rin niyang while most immigrant petitions require a petitioners (a family member or employer), say ni Atty. Nettles, an EB-1 ay puwede ang elf self petition.
And once the immigration service daw approves the petition, the applicant and his entire family are granted green card to live permanently in the US.
At ang pinaka-bongga, as a green card holder, you can travel in and out of the United States anytime without the usual hassle. Kahit itanong n’yo pa kay Tito Ricky Lo.
* * *
Sayang, out of town sina Melai and Jayson sa May 15, Sabado. Hindi tuloy sila makaka-join sa Pilipino Star Ngayon Fun Run Event for a Cause, Bigay-Todo sa Pagtakbo sa SM Mall of Asia Grounds, 5:00 a.m.
Pero pino-promote nila ang nasabing fun run ng PSN na ang kikitain ay mapupunta sa pagpapagawa ng eskuwelahan. Naniniwala sila sa misyon ng nasabing event. Hinayang na hinayang nga ang dalawa.
Anyway, part pa rin ang nasabing event ng 24th anniversary ng PSN.
Sana maka-join ang maraming readers ng PSN.
May tatlong category at may registration :
Categories:
3k and 5k: P 350
10k : P 400
(inclusive of singlet, race bib, timing chip, route map)
Prizes:
3k and 5k
1st - P 5,000 plus gift packs
2nd - P 3,000 plus gift packs
3rd to 5th place finisher - gift packs
10k
1st - P 7,000 plus gift packs
2nd - P 5,000 plus gift packs
3rd to 5th place finisher - gift packs
Gun Start:
5:45 a.m 10k
5:55 a.m 5k
6:00 a.m 3k
Online registration starts on April 6, 2010 www.runningmate.ph
For questions and inquiries please look for Mylene Amahit (527-6852) or Nikki Cordero (521-3995).
May mga artistang tatakbo. Yup, pero surprise muna, kaya join na kayo.
* * *
“Just got hit by the green fever! My president is GIBO TEODORO! Galing at talino. SULONG GIBO! :)))),” tweet ni Ruffa Gutierrez kahapon.
“Four months ago when mom told us she was 4 GIBO we all laughed at her. Nag-iisa siya! 8 days b4 the elections we realize she was right all along,” dagdag na tweet ni Ruffa.
May green avatar na rin si Ruffa sa kanyang twitter account.
Super loyal ang mommy niyang si Annabelle Rama kay Gibo. “Si Gibo ang mananalo,” matagal nang dini-deklara ni Tita A kahit wala sa mataas na posisyon ng survey ang kanyang manok sa pagkapangulo.
Hindi raw siya naniniwala sa survey in the first place consistent niyang kuwento.
Kaya, kung makikita n’yong naka-green si Tita A., hindi kataka-taka.
Pero si Ruffa, medyo may gulat factor pa nang makita ang kanyang mommy : “Couldn’t believe my eyes when I saw mom 2day. Green blouse, green ballers, green Balenciaga bag & green emeralds! Kulang nalang green polish!”