Stationery Collection. Kris Aquino may bago na namang 'Baby'

MANILA, Philippines - Proud na proud ang Queen of All Media na si Kris Aquino sa bago niyang baby - ang K Everyday stationery collection.

Perfect ang pinakabagong K Everyday line sa mga student lalung-lalo na sa mga mommy na magiging abala na sa pagbili ng mga gamit pang-eskuwela ng kani-kanilang mga anak. Stylish at napakasulit ng K Everyday stationery collection. Meron itong notebooks, journals, photo albums, gift wrappers, gift boxes, at gift bags.

Tulad ng personality ni Kris, bright at alive na alive rin ang look ng K Everyday stationery items, lalo na ang notebooks. Bukod sa covers na nasa favorite bright colors ni Kris, stand out ang notebooks dahil sa striped at polka dot designs nito.

Sa pakikipagtulungan ng ABS-CBN Licensing at Sterling Paper, available ang K Everyday notebooks sa spiral, double-cover, clip binder, hard bound at memo.

Mabibili na ang K Everyday notebooks at stationery items sa mga stationery sections ng SM Department Stores, Robinsons Department Stores at iba pang leading bookstores nationwide.

Show comments