MANILA, Philippines - Ang Asia Voice Indie Music Awards 2010 (AVIMA) ay tinawag na world’s largest celebration of independent talent. Ang una nilang awards was streamed live to 30 countries over the Internet.
Pinili mula sa 3,000 artists ng 25 bansa ang pumasok sa AVIMA 2010 nominees.
At apat ang nominasyong nakuha ng Wolfgang : Best Rock Group, Best Rock Song, Best Rock Vocalist (for Basti Artadi) at Most Mind-Blowing Music Video.
Mayroon namang 17 categories ang AVIMA including pop/R&B, rock, hip-hop, electronic/dance, and collaborations.
Ang Wolfgang ay binubuo nina Basti Artadi (vocals and lyrics), Manuel Legarda (guitar), Mon Legaspi (bass) at Francis Aquino (drums). Umaasa ang grupo na mananalo sila sa kanilang mga nominasyon.
Pangalawang taon na ng AVIMA sa pagbibigay ng karangalan sa mga independent artists. Una nilang binigyan ng recognition ang Up Dharma Down ng Pilipinas alongside Thaitanium ng Thailand, Electrico ng Singapore,at Motherjane ng India na pawang mga regional superstars.