MANILA, Philippines - Merong show sa Midtown Atrium, Robinsons Place, Manila sa Mayo 4 ang Season Eight American idol na si Allison Iraheta.
Sa kanyang show na inihandog ng Channel (V), maririnig ang kanyang mga hits na kasama sa debut album niyang Just Like You tulad ng Friday I’ll Be Over U at ang bago niyang single na Scars.
Bumili ng kopya ng album sa activity area sa Mayo 4 para maipa-autograph ito kay Iraheta.
Natupad ni Iraheta ang matagal na niyang pangarap nang maging isa siya sa final four contestant ng Season Eight. Napahanga ng 17 anyos na singer na tubong Los Angeles ang mga hurado ng American Idol at ang mga manonood dahil sa kanyang galing sa pagtatanghal.
Pinaka-memorable na performances ni Iraheta ang isang take mula sa No Doubt hit na Don’t Speak. Paborito rin ng mga manonood ang version ni Iraheta sa I Don’t Want to Miss a Thing.