Pahabol sa summer ng Life and Style

Patapos na ba ang panahon ng tag-init? O mag­ka­katotoo ang prediksyon ng kawanihan ng PAGASA na dahil sa climate change ay patuloy nating madarama ang grabeng init ng panahon o extended ang summer at di pa papasok ang tag-ulan.

Siyempre pa, hinihintay ng mga magsasaka ang unang ulan ng Mayo dahil ito ang hudyat ng masa­ganang pagdidilig ng kalikasan sa kanilang mga pa­nanim na talagang nasalanta dahil sa El Niño. Baka ngayon pa lang ay nagre-rain dance na sila, di kaya?

Sa Life and Style with Gandang Ricky Reyes ngayong Linggo alas diyes ng umaga sa QTV-11 ay may pahabol na pagtatanghal ang host-producer na si Mader Ricky Reyes para sa summer. Ililibot niya tayo sa ilang lugar na maaaring nakaligtaan ninyong puntahan dahil ang nagustuhan natin ay dalhin ang pamilya sa mga beach, dagat o resort.

Dadalhin tayo ni Mader sa Bahay Tsinoy na ang makikita’y artifacts ng ating mga kababayang Chinese-Filipino. May feature rin ng scuba-diving, educational tour sa Nido Science Center at Manila Ocean Park. May panayam pa na ginanap sa Greenhills Badminton Center sa mga adik sa larong ito na ayon sa marami’y mabisang pampaliit ng katawan at pampabawas ng timbang. Tutok lang para malaman kung sinu-sinong celebrity ang hooked sa game na ito.

Abangan din ang segment na Great Hair Day na laging sinusubaybayan di lang ng mga babae kundi pati mga lalake dahil dito naipakikita ang madadali pero epek na pag-aayos ng buhok at paraan ng pagpapaganda.

Super Inggo Ibabalik

Siguradong mag-eenjoy ang buong pamilya lalo na ang mga batang nakabakasyon sa pagbabalik ngayong Lunes, May 3, ng first-ever all-Filipino anime TV series na Super Inggo at ang Super Tropa!

Araw-araw nang masusundan ng mga kabataan - first o second-timers man- ang mga kapana-pa­na­bik na adventures ng bidang si Budong at ng kanyang mga kaibigan na pinaghalong action, comedy, dra­ma, fantasy at non-stop kulitan.

Ayon sa business unit head ng show na si Raymund Dizon, ang muling pagpapalabas ng Super Inggo at ang Super Tropa ay summer treat ng ABS-CBN. “From its live action series up to its animated version, naging part na ang Super Inggo ng viewing habit ng mga Pinoy. At since it’s summer at bakasyon ng mga bata, naisip ng management na good timing na muling ipalabas ang animated series.”

Dagdag ni Dizon, bukod sa katatawanan, nag-click ang Super Inggo at ang Super Tropa sa viewers dahil sa hatid nitong mga magagandang aral.

“Sa bawat episode kasi may lesson to be learned. Gusto naming turuan ang mga bata ng mabuting asal tulad ng pagmamahal sa magulang, pangangalaga sa kalikasan at pagpapahalaga sa pagkakaibigan sa paraang madali nilang maiiintindihan. Dahil dito, approve sa mga parents ang show at sinasabayan pa ang kids nilang manood.”

Para sa mga excited nang makitang muli si Super Inggo at maging sa mga naka-miss ng unang airing, huwag palampasin ang Super Inggo at ang Super Tropa, araw-araw, 10:00am, bago ang Showtime ABS-CBN Prime Tanghali.

Show comments