Greencard holder na, LT sa Amerika na titira

Alam mo, Salve A., marami ang nagu­gu­wapuhan ngayon sa dancer-turned singer-come­dian na si Vhong Navarro at mas malakas ang appeal nito ngayon sa mga kababaihan.

“Mukha akong hito nung nagsisimula pa lamang ako dahil sa sobra kong payat,” natatawa nitong kuwento.

Dahil sa pagiging komedyante sa tunay na bu­hay ni Vhong, madali siyang nakilala sa galing ng pag­pa­patawa. Napasama si Vhong sa Super Laugh In, isang gag show noon na tinampukan din nina Redford White, Bayani Agbayani, Mylene Dizon, Bojo Molina, Wowie de Guzman, at iba pa at sumunod na dito ang first movie na tinam­pukan ng Street Boys, ang Spirit Warriors na dinirek ni Chito Roño.

Sixteen years old si Vhong nang siya’y mag­simula sa Street Boys at 33 na siya ngayon.

Sa launch ng I.Star Best of Dance/Novelty Album ng Star Records para sa kanilang ika-15 taon sa recording business, inamin ng ama nina Bruno (Frederick Vhong) at Yce na 17 taon na siya sa showbiz na kanyang sinimulan bilang isa sa mga pioneer ng all-male dance group ni Direk Chito Roño, ang Street Boys. Ang pagiging mahusay na dancer ni Vhong ang nagbukas sa kanya ng pintuan para mapasok ang acting (bilang isang komedyante) at singing.

Bukod kay Vhong, kasama sa mga pioneer members ng Street Boys sina Jhong Hilario, Da­nilo Barrios, at Spencer Reyes na pare-parehong pinasok din ang larangan ng acting. Ang iba naman nilang members ay kasama sa iba’t ibang dance groups na nagtatanghal sa Universal Studios sa Singapore.

Samantala, naikuwento ni Vhong na nasa Scotland na ngayon si Spencer at nagtatrabaho bilang isang caregiver at may-asawa na rin ito.

Dahil bakasyon sa school ngayon, kasama ni Vhong ang kanyang dalawang anak sa kanyang bahay at super-bonding umano silang mag-aama.

Si Bruno (1st year high school) ay panganay niyang anak sa isang non-showbiz girl habang si Yce (grade VI) ay anak naman niya sa kanyang ex-wife actress-businesswoman na si Bianca Lapus.

 Kapag pasukan na, tuwing weekends lamang nakakasama ni Vhong ang kanyang mga anak na kung tratuhin niya ay parang mga kabarkada lamang niya.

* * *

Naaprubahan na pala Salve A. ang greencard ng award-winning actress na si Lorna Tolentino sa tulong ng kilalang immigration lawyer na si Atty. Jemela Agraviador-Nettles. Although natutuwa ang misis ng yumaong si Rudy Fernandez, undecided pa si LT na mamalagi sa Amerika dahil narito sa Pilipinas ang kanyang pamilya at tra­baho.

Bukod kay LT, si Atty. Nettles din ang nag-ayos ng mga greencards ng mag-asawang Jessa Zaragoza at Dingdong Avanzado at ng ka­nilang anak na si Jayda, ganoon din kay April Boy Regino at pamilya nito, Miguel Vera, ang com­poser na si Vehnee Saturno, Ladine Ro­xas, Marco Sison at Jolina Magdangal, Era­serheads, Eddie Katindig, Rico J. Puno, Willie Nepomuceno, Rufa Mae Quinto, Ara Mina, Toni Gonzaga, Aegis Band, Christian Bau­tista, Karylle (Tatlonghari), at ang fashion de­signer na si Oliver Tolentino.

Si Atty. Nettles na napaka-warm at friendly ay miyembro ng American Immigration Lawyers Association, Los Angeles Country Bar Asso­ciation-Immigration Section, American Bar Asso­ciation at Integrated Bar of the Philippines.

Ang kanyang tanggapan ay matatagpuan sa 700 S. Flower St., Suite 1100, Los Angeles, CA 90017 na may teleponong 1-213-234-9591. Hindi magtatagal ay magkakaroon na rin siya ng satellite office sa May­nila dahil marami ang nangangailangan ng kanyang tulong na nasa Pilipinas.

* * *

Taas-noong inindorso ng Kabataan Partylist ang kandidatura ni NP-NPC-LDP vice-pre­sidential candidate na si Sen. Loren Legarda sa isang pagpupulong sa Kowloon House sa Quezon City. Kabilang anila sa kanilang “dream slate” ang pangalan ng award-winning TV journalist turned politician.

* * *

a_amoyo@pimsi.net

Show comments