Angel hindi na ban sa FHM

Seen : Fifteen pounds ang nadagdag sa timbang ni Alfred Vargas mula nang mag-umpisa ang kanyang pangangampanya. Kuma­kan­didatong konsehal ng 2nd District ng Quezon City si Alfred.

Scene : Ang denial ni Bianca King na hindi siya ang girlfriend ni Aljur Abrenica at hindi sila nag-uusap sa set ng The Last Prince. Kontra ang denial ni Bianca sa pahayag ni Aljur na nagpa­pa­litan sila ng text messages.

Seen : Hindi na nakakatawa ang mga biro ni Joey de Leon kay Lolit Solis. Nakaka-offend na ang kanyang paulit-ulit na pagsasabi ng salitang kulong.

Scene : Nagkatotoo ang kutob ni Mo Twister na malalagay siya sa trouble dahil sa mga sinabi niya sa presscon ng Startalk at Showbiz Central. Pinag-uusapan ang mga pahayag ni Mo Twister laban sa GMA 7.

Seen : Sina Gibo Teodoro at Edu Manzano sa kampanya nila kahapon sa Ormoc City.

Scene : Nanggaling sa cellphone number 09274470436 ang text message na si Senator Noy­noy Aquino ang presidentiable na sinusuportahan ni Vice Presidentiable Jojo Binay, hindi ang kanyang running-mate na si President Joseph Estrada. Laglag na raw si Binay sa Erap supporters.

Seen : Ngayong gabi ang alis ni Richard Gutierrez patungo sa New York City dahil dadalo siya sa New York Film Festivals (Film and TV Awards). Si Richard ang host ng Planet Phi­lip­pines at nominado ito sa Environment and Ecology category.

Scene : Si Angel Locsin ang cover girl ng May 2010 issue ng FHM. Naayos na ang problema sa pagitan ni Angel at ng Summit Publishing Inc., ang publisher ng FHM kaya hindi na siya “ banned” sa nasabing publication.

Show comments