^

PSN Showbiz

Miriam Quiambao muntik magpakamatay

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Kesehodang pinagsabihan siya ng judge, dadalo pa rin si Dra. Vicki Belo sa marathon hear­ing ng kaso nina Hayden Kho, Jr. at Katrina Halili sa Pasig City Regional Trial Court.

Simple lang ang katuwiran ni Mama Vicki, gusto niyang bigyan ng moral support si Hayden, alang-alang sa kanilang special friendship.

Ang sey ni Dra. Belo, napagsabihan siya ng judge dahil hindi niya napigilan ang sarili na mag-react sa testimony ni Katrina.

Kilala ko si Dra. Belo, hindi siya papalag kung tama ang kuwento na kanyang narinig. Nag-react siya sa korte dahil nakita niya na may butas ang tes­timony ni Katrina.

* * *

Kagabi lang pala umalis ang mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo. Kasama nila ang anak na si Yohan sa pagbabakasyon nila sa Los Angeles.

Tulad ng aking unang balita, tatlong linggong mawawala sa Pilipinas ang Agoncillo family. Ang ibig sabihin, hindi na makakaboto sa May 10 sina Juday at Ryan dahil nasa Amerika nga sila.

* * *

Napanood ko na ang bagong TV ad nina Mang Dolphy, Willie Revillame at Manny Pacquiao para kay Senator Manny Villar.

Sa totoo lang, wala akong makitang masama o mali sa dialogue ni Pacquiao na may iba diyan na laban nang laban sa salita pero wala pang na­ga­gawa kaya walang dahilan para mag-react si Kris Aquino.

Napanood ko sa news ang patutsada ni Kris kay Pacquiao sa kanyang Twitter account:

“I saw endorsement tvc of Pinoy sports icon saying words to the effect na laban ng laban wala naman napatunayan. In politics, Noy has won 3 straight terms sa Congress & won almost 15 million votes sa Senatorial in 2007. How sad na he didn’t think na in politics- knock out nga siya. In politics si Noy ang may napatunayan because Noy has never lost an election! Ika nga, undefeated ang re­cord niya.”

Paano nakasiguro si Kris na ang kapatid niya ang pinariringgan ni Pacquiao eh hindi lang si Noy­noy ang kalaban ni Senator Villar sa presidential race? Baka nga wala sa kamalayan ni Pacquiao si Noynoy habang kinukunan ang endorsement niya kay Papa Manny ‘noh! Ang mag-react, guilty!

* * *

Nakakapagkuwento na si Miriam Quiambao tungkol sa mga kara­nasan niya sa piling ng kan­yang ex-husband na si Claudio Rondinelli.

Ang ibig sabihin, moving forward na si Miriam na umamin na muntik na siyang magkapamatay noong problematic siya sa relasyon nila ni Claudio.

Parang nakakarinig daw siya ng mga boses sa kan­yang isip na nagsasabi na magpakamatay siya.

Kung hindi raw siya nakipaghiwalay, siguradong namatay na siya ang nakakalokang rebelasyon ni Miriam.

Sa tanong kung nagmahal na ba siya uli, oo ang sagot ni Miriam dahil in love daw siya kay Jesus. Hindi sinabi ni Miriam na nagkaroon na siya ng boyfriend pero nauwi rin ito sa hiwalayan. Foreigner din ang mhin na nakarelasyon ni Miriam, ilang taon pagkatapos niyang mag-babu kay Clau­dio.

BELO

CLAUDIO RONDINELLI

DRA

HAYDEN KHO

JUDY ANN SANTOS

KATRINA HALILI

PACQUIAO

SHY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with