Comedy may ibang level sa tawanan

MANILA, Philippines - Maghahatid ng kakaibang level ng katatawanan ang Comedy Bar ang pinaka-bagong programa ng GMA 7 na kikiliti at magpapasaya sa mga mano­nood sa kanilang ikalawang episode.

Sa pangunguna ng dalawa sa pina­kamahusay na komedyante sa showbiz na sina master of live entertain­ment Allan K at award-winning come­dienne Eu­gene Domingo, ibabahagi ng prog­rama ang eksaktong laugh trip na kara­­ni­wang napapanood lamang sa isang comedy bar. Sa loob ng isang buong oras, iba’t ibang spot performan­ces at musical comedy stunts ang ihahandog ng dalawang hosts sa harap mismo ng isang live studio audience at milyun-mil­yong television viewers.

Kasama rin sa Comedy Bar ang hot na hot na Brapanese hunk na si Favio Ide at ang grupong Six Feet Long na binu­buo ng mga band members nitong sina Jay Perillo, Michael Gemina, Weckl Mer­cado, Iean Inigo, Tim Mallilin at Ivan Espinosa.

Upang maging mas espesyal ang bawat episode, bibigyan din ng pagkaka­taon ng show ang mga undiscovered comedians upang ipamalas ang kanilang natatanging ga­ling sa stand-up comedy. Siyempre, di rin mawawala ang celebrity guests na handang makisaya at makipag­kulitan sa mga host ng programa.

Abangan ito pagkatapos ng Imbestigador sa GMA 7.  

Show comments