“We have decided to substitute Lucy to replace me as candidate for congressman in Ormoc and 4th district of Leyte. We will not wait for en banc decision to come out. That way we will not have to go to the Supreme Court to fight another battle and spend more money, time, and effort if we win this elections. God bless us.”
Ito ang kabuuang text message ni Richard Gomez kahapon.
Wala nang puwedeng mag-file ng disqualification case laban kay Lucy dahil tubong Ormoc ang asawa ni Goma at walang puwedeng manlait sa galing at ganda ni Lucy.
Kinatigan ng Commission on Election ang petition ng kalaban ni Goma sa 4th district ng Ormoc na i-disqualify siya dahil hindi naman daw na-fulfill ng actor ang legal requirement para tumakbo siya sa nasabing lugar.
Actually tama ang decision nila. Siguradong panalo na si Lucy dahil kahit sa previous survey, nangunguna si Goma.
Pag nagkataon, si Lucy na ang pinakamagandang kongresista sa mababang kapulungan.
* * *
Nakakaaliw ang trailer ng Here Comes the Bride ng Star Cinema starring Angelica Panganiban, Eugene Domingo, John Lapus, Tuesday Vargas, Jaime Fabregas, and Tom Rodriguez.
Pero mas pansinin sa trailer ang eksena nina Angelica and Eugene. Parang sila ang bida ng pelikula - pero sa trailer lang naman though parang maganda rin ang exposure ng ibang bida.
Kung nagtataka kayo na hindi lahat Kapamilya ang bida, ‘yun ay dahil hindi lang Star Cinema ang producer ng pelikula, co-producer nila ang Quantum Films (ni Atty. Joji Alonzo), and OctoArts.
Naiiba raw ito sa mga naunang pelikula na may tema ring kasalan dahil may body-swapping adventure.
Si Stefanie (Angelica) ang maganda at sweet na bride na sobrang in love sa kanyang mayamang itinuturing na true love at first boyfriend na si Harold (Tom). Kahit sobrang in love ang dalawa, gusto ni Stefanie na ibigay lang ang sarili kay Harold sa kanilang honeymoon. Nang dumating ang araw ng kasal, nagkaroon ng total eclipse at naapektuhan nito ang high magnetic field ng lugar patungo sa beach resort. Dahil dito, nagkabanggaan ang mga sasakyan ng mga bisita at ng bride at aksidenteng nagkapalit-palit ang kanilang mga kaluluwa. Napunta si Stefanie sa katawan ng mayamang abogadang si Precy (Eugene) na magiging ninang dapat sa kasal. Nasanib naman si Precy sa katawan ng harassed na yaya ng ring bearer na si Medelyn (Tuesday) na mahilig mag-Bisaya pag galit. Nalipat naman ang kaluluwa ni yaya sa katawan ng bored na mayamang lolo ni Harold na si Bien (Jaime Fabregas). Sumanib si Lolo Bien sa bading na make-up artist na si Toffee (John), at si Toffee na naka-tsamba at napunta sa katawan ng maganda at seksi na si Stefanie.
Doon magsisimula ang kuwento ng pelikula na sinulat at dinirek ni Chris Martinez at showing na next month.
Dahil kasal ang pinag-uusapan, hindi nakaligtas si Angelica sa tanong kung here comes the bride na rin siya. Isang buwan silang magbabakasyon ni Derek Ramsay sa Africa.
So pakakasal na ba sila doon?
No ang sagot ni Angelica.
Mas feel daw niyang ikasal dito sa atin.
Anyway, tama ang stand ni Angelica na ‘wag patulan ang isang dyaryong nagpapa-controversial sa pamamagitan ng paglalabas ng mga pictures nilang mag-dyowa noong nasa Boracay sila.