SOLARtv mabilis ang bulusok
MANILA, Philippines - Ang SOLARtv (Channel 9) ay isa sa pinakamabilis ang pagbulusok na Filipino TV network. Noong November 29, 2009 ay iniretiro ang CS9 at pumalit dito ang bagong SOLARtv ng Solar Entertainment Corporation. Doon nagsimulang mag-enjoy ang napakaraming TV viewers sa buong bansa ng mga programang free-to-air ng SOLARtv Channel 9 at Channel 14 sa mga major cable TV networks.
Ngunit kaiba sa naunang CS9, ang SOLARtv ay nanatiling walang tigil sa pagkuha ng atensyon ng madaming manonood sa free TV sa pamamagitan ng kanyang kaakit-akit na kombinasyon ng masisigla, kasiya-siya at trendsetting na reality shows, hit series, fan based sports, blockbuster movies, engaging talk shows at news magazine programs.
Ang SOLARtv din ang tahanan ng PBA at NBA Finals, ang mga hottest US TV series at TV programs na kinabibilangan ng reality shows (Queen Feye, Real Housewives, Dance Your Ass Off, America’s Got Talent, Survivor: Heroes vs. Villains), talk shows (Jerry Springer, Maury, Ellen, Entertainment Tonight, Insider), popular TV series (Vampire Diaries, 24, Chuck, Human Target, Fresh Prince of Bel-Air), game show (Price is Right), sports (NBA) at recent Hollywood blockbusters sa The Big Ticket tuwing araw ng Linggo.
Abangan ang mga new seasons at higit pang exciting na mga shows (Biggest Loser, White Collar, Modern Family, Two and a Half Men, NCIS, Ben 10: Alien Force, Batman: The Brave and the Bold, Kamen Rider: Dragon Knight) sa SOLARtv itong maningning na buwan ng Mayo.
- Latest