Wala akong nakikitang masama sa pagtatanggol na ginagawa kay Senator Manny Villar ng kanyang mga kapatid na babae.
Natural na ipagtanggol si Papa Manny ng kanyang mga kapatid dahil sila ang nakakaalam sa tunay na kuwento ng buhay ng presidential bet ng Nacionalista Party.
Baka nakakalimutan ng mga bumabatikos kay Papa Manny at sa kanyang mga kapatid na ipinagtatanggol din ng Aquino sisters ang kanilang kapatid na si Senator Noynoy Aquino?
* * *
Invited ako sa TV ad campaign shoot nina Tito Sotto at Sharon Cuneta noong Martes ng gabi.
Six pm ang original call time pero naging 8:00 p.m ito hanggang naging 9:00 p.m. Mabuti na lang, hindi ako nag-effort na magpunta dahil kinabukasan, nalaman ko na 11:30 p.m. nang dumating si Sharon Cuneta.
Iniiwasan ko ang dumalo sa mga pang-gabi na imbitasyon dahil ayokong-ayoko na napupuyat ako. Health is wealth di ba? Hindi ko type ang pakiramdam ng isang puyat.
* * *
Inimbitahan ako ni Jun Lalin sa advance birthday dinner niya, courtesy of Maritess Allen. The who si Maritess? Siya ang feng shui expert na nagsabi sa akin na magiging magulo ang eleksiyon sa May 10.
Ipinaliwanag sa akin ni Maritess na Year of the Tiger nang magkaroon ng Edsa revolution noong 1986, Year of the Tiger nang mahalal si Papa Erap noong 1998 at taon uli ng Tigre ngayong 2010.
Mahaba ang explanation ni Maritess. Marami akong naintindihan tungkol sa feng shui dahil sa kanyang mga paliwanag.
* * *
Nagkita rin kami kahapon ni Atty. Jemela Nettles, ang US Immigration lawyer na malaki ang naitulong sa mga Filipino artist para makakuha ng extra-ordinary ability visa.
Si Atty. Nettles ang instrumento kaya nagkaroon ng mga immigrant visa sina Jolina Magdangal, Miguel Vera, April Boy Regino, Marco Sison at marami pang iba.
Naririto sa Pilipinas si Atty. Nettles dahil sinamahan niya sa US Embassy ang isang TV host na naaprubahan din ang extra-ordinary ability visa.
Matagal ko nang kilala si Atty. Nettles kaya ako mismo ang makapagpapatunay sa kanyang kabaitan at sinseridad. Kung hindi dahil sa kanya, mahihirapan na kumuha ng working visa ang mga artistang Pilipino na nagtatanghal sa Amerika.
* * *
May napansin si Jocelyn Sy ( jocelyngsy@hotmail.com ) tungkol sa pagbibitaw ni Erich Gonzales ng dialogue sa kanyang teleserye. Read n’yo ang observation ni Jocelyn na avid reader ng PSN :
“Tungkol po ito kay Erich Gonzales. Hindi ko po alam kung napapansin ninyo na “napakahangin” ni Erich na magsalita sa kanyang mga teleserye. Kung mag-pronounce siya ng word na “paano” ay “phha-ahhno”, or ang word na “bakit” ay bibigkasin niya ng “bhha-khhit”.
Panay hangin ang lumalabas sa dialogue ni Erich. Kailangan niya yata ng speech therapy para ma -correct ang kanyang speech defect. Sana, mapansin ng ABS-CBN ang mahangin na pananalita ni Erich.”