TFC nasa Rogers Cable na sa Canada!

MANILA, Philippines - Sa ika-16 na taon ng The Filipino Channel (TFC), sinimulan ang pagpapalabas ng Ka­pa­mil­ya shows sa Rogers Cable, ang nangu­ngu­nang ca­ble service provider sa Canada. Dahil sa hak­bang na ito, mas magiging madali para sa mga Pili­pinong taga-Canada ang mag­karoon ng TFC.

Unang nagkaroon ng TFC signal ang mga sub­scri­bers ng Rogers Cable noong ika-26 ng Abril. Ito’y matapos pirmahan ang memorandum of ag­ree­ment sa pagitan ng ABS-CBN Canada ULC at Rogers Communications, Inc. Hudyat ito ng mas malawak na cable footprint para sa TFC na ngayo’y sakop na rin ang Silangang bahagi ng Ca­nada, ka­sa­ma na ang Ontario, New Bruns­wick at Quebec.

Wika ng ABS-CBN Canada Country Manager Mar­co Amoranto : “Makakatulong sa magka­bi­lang pa­nig ang kasunduang ito. Dahil sa TFC, mas lala­wak ang multicultural offerings ng Rogers. At dahil sa Rogers, mas maraming Fil-Canadians ang ma­ka­ka­balita’t makakapanood ng deka­libreng mga programang hatid ng TFC.”

Ang TFC ay ipinalalabas sa Channel 871 ng Ro­gers Cable bilang isang free preview service hang­gang ika-25 ng Mayo, 2010. Para sa karagdagang im­pormasyon, maaring tumawag sa 1800-870-9960 o magtungo sa www.rogers.com/multicultural <http://www.rogers.com/multicultural> .

Show comments