TFC nasa Rogers Cable na sa Canada!
MANILA, Philippines - Sa ika-16 na taon ng The Filipino Channel (TFC), sinimulan ang pagpapalabas ng Kapamilya shows sa Rogers Cable, ang nangungunang cable service provider sa Canada. Dahil sa hakbang na ito, mas magiging madali para sa mga Pilipinong taga-Canada ang magkaroon ng TFC.
Unang nagkaroon ng TFC signal ang mga subscribers ng Rogers Cable noong ika-26 ng Abril. Ito’y matapos pirmahan ang memorandum of agreement sa pagitan ng ABS-CBN Canada ULC at Rogers Communications, Inc. Hudyat ito ng mas malawak na cable footprint para sa TFC na ngayo’y sakop na rin ang Silangang bahagi ng Canada, kasama na ang Ontario, New Brunswick at Quebec.
Wika ng ABS-CBN Canada Country Manager Marco Amoranto : “Makakatulong sa magkabilang panig ang kasunduang ito. Dahil sa TFC, mas lalawak ang multicultural offerings ng Rogers. At dahil sa Rogers, mas maraming Fil-Canadians ang makakabalita’t makakapanood ng dekalibreng mga programang hatid ng TFC.”
Ang TFC ay ipinalalabas sa Channel 871 ng Rogers Cable bilang isang free preview service hanggang ika-25 ng Mayo, 2010. Para sa karagdagang impormasyon, maaring tumawag sa 1800-870-9960 o magtungo sa www.rogers.com/multicultural <http://www.rogers.com/multicultural> .
- Latest