Ano ba, pati si Piolo Pascual nabalitang namatay kahapon.
Nag-umpisa ito sa headline ng Global Associated News :
Breaking News Actor - Piolo Pascual Falls To His Death In New Zealand
Actor Piolo Pascual died while filming a movie in New Zealand early this morning - April 28, 2010.
Preliminary reports from New Zealand Police officials indicate that the actor fell more than 60 feet to his death on the Kauri Cliffs while on-set. Specific details are not yet available.
Sa Twitter unang kumalat ang nasabing kuwento. Pero mabilis din ang denial from ABS-CBN. Nabasa ko agad din sa Twitter account ni Ms. Marie Lozano : iammarielozano
“Text message circulating saying ‘Piolo Pascual is dead’ is NOT TRUE! He is in Subic taping.”
Poor Piolo. Imagine nananahimik pala siyang nagta-trabaho sa Subic pero bigla siyang mababalitang namatay. Kaloka.
At least siguradong hahaba pa ang buhay ni Piolo.
* * *
Isa pang nag-circulate na balita sa Twitter kahapon ay ang tungkol sa sama raw ng loob ni Direk Louie Ignacio kay Regine Velasquez dahil paano raw gaganda ang Party Pilipinas kung hindi naman nakiki-cooperate si Regine Velasquez sa rehearsal. Pero mabilis ang reaction ni Ogie Alcasid sa nasabing issue sa kanyang Twitter account din : “I just read the entry of boy gossip (twitter account) maliciously involving regine’s name in direk louie’s statement insisting that she is the one that direk is referring to sa mga hindi nagre-rehearse. Regine would not reach her career status right now if it weren’t for her unparalleled professionalism. It is unfair to spread the rumor that she is not cooperating. Boy gossip, I humbly ask you to please retract your statement about this issue. Only the staff and the artists were there in Cebu and no one else knows what really happened there. To besmirch regine’s reputation is outright unfair.”
Biglaan ang pagri-resign ni Louie Ignacio sa nasabing programa ng GMA 7 na hindi pa rin napapataob ang kalabang ASAP XV.
* * *
Puwede nang mag-endorso ng pulitiko si Megastar Sharon Cuneta. Yup, binigyan na siya ng go signal ng kanyang ini-endorsong produkto.
Kaya two weeks before the election, ibinalita niya agad sa kanyang Fad (for father Tito Sotto) na tutulong siya sa kampanya.The other night, nag-shooting agad siya for TV ads. Gusto rin ni Sharon, kasama siya sa lahat ng campaign materials ng kanyang uncle na tumatakbo uli sa pagka-senador. “Lahat ng puwede, ‘yung picture namin dapat nasa lata, baso, pamaypay, tarpaulin, anything. Touched na touched ako nung sumagot si Fad, kasi parang touched na touched siya kasi ngayon lang ako makakatulong.”
Say naman ni Sen. Tito, timing ang pasok ni Sharon dahil ito na ang crucial time ng kampanya.
Anyway, before sila nag-taping, nakitsika si Sharon at Sen. Tito sa ilang entertainment press kaya natanong si Mega tungkol sa kanyang anak na si Miguel na kamukha na raw ni Sid Lucero.
“Pag ngumingiti, lahat, ‘oh my God, Sid na siya, hindi na masyadong si Coco Martin. He’s a happy baby. He has my lips, my chin, he has dimples like Miel. He has a wonderful smile and he’s chinito like Jet Li .”
Pero hindi pa niya alam kung kailan ito mabibinyagan dahil ‘di pa raw naaayos ang mga papeles nito.
“Wala pa nga siyang passport, hindi ko pa siya masama,” kuwento ni Mega tungkol sa kanyang anak na bunso.
Naka-line up na rin ang mga gagawin niyang pelikula this year na hindi raw magkakasya ngayong taon.
“By June, I’ll be starting my movie for Star Cinema which is horror. My first horror. Tapos, may naka-schedule rin kami ni Robin Padilla together, sa Unitel,” kuwento pa niya.
Meron din daw sa kontrata niyang movie with Gov. Vilma Santos and afterwards, malamang silang mag-ina ni KC.
At ang kasunod si Gabby Concepcion na? “The next…hindi ko pa alam,” sabay hagalpak ng tawa ni Mega.