Sure na, Kris inayawan ni Aljur

Nakita ko ang closeness ni Aljur Abrenica at ng kanyang tatay na si Alfonso sa launching ng album niya sa Sony Music noong Martes.

Habang kumakanta si Aljur, nakatingin lang siya kay Alfonso at parang humihingi ng assurance na tama ang kanyang ginagawa at hindi siya sin­tunado.

Singer ang tatay ni Aljur at may banda ito. Idol na idol si Alfonso ng kanyang panganay na anak. Siya ang inspirasyon ni Aljur kaya nangarap ito na maging singer, hindi artista.

Hindi lang si Alfonso ang kasama ni Aljur sa album launch. Isinama rin niya ang kanyang nanay na si Amor at ang dalawang kapatid na bagets.

Tatlo ang kapatid ni Aljur at siya ang panganay. Na-witness ko rin sa presscon ni Aljur ang sobrang giliw niya sa kanyang bunsong kapatid na lalake. Ang sabi ni Aljur, kamukhang-kamukha niya ang bunsong kapatid noong bagets pa siya.

* * *

Malungkot si Kris Bernal dahil bilang na ang mga araw ng loveteam nila ni Aljur dahil ipapareha ito kay Rhian Ramos.

Hindi pa alam ni Kris ang next project niya sa GMA7 kaya balak niya na magbakasyon sa Amerika kapag natuloy ang show ng Pinoy TV.

Babawiin ni Kris sa US trip ang tatlong taon na sunud-sunod na trabaho niya. Hindi na naranasan ni Kris ang mahabang bakasyon mula nang sumikat ang loveteam nila ni Aljur.

* * *

Si Joy Belmonte ang vice-mayoral candidate sa Quezon City na sinusuportahan ni Alfred Var­gas.

Naniniwala si Alfred na magiging magaling na bise-alkalde si Joy dahil sa impressive track record nito.

Parehong kandidato sa QC sina Joy at Alfred dahil tumatakbo ito na konsehal sa 2nd District at kapwa sila nag-aral sa Ateneo de Manila University.

Ang mga katulad nina Joy at Alfred na may pagpapahalaga sa edukasyon at kapakanan ng mga tao ang mga kandidato na karapat-dapat na pag­tiwalaan ng mga residente ng Quezon City. Wala nang puwedeng makapagpabago sa isip ko sa pagboto kina Joy at Alfred.

* * *

Naging instant fan ako ni Congresswoman Risa Hontiveros nang ma-meet ko siya kahapon sa Annabel’s restaurant.

Hindi ko iniwanan ang presscon ni Mama Risa habang hindi tapos ang open forum dahil aliw na aliw ako sa mga sinasabi niya.

Take note, pinagbigyan ni Mama Risa ang request na kumanta siya dahil may-I-sing niya ang isang kanta mula sa Sound of Music at ang sariling version niya sa hit song na Sana Maulit Muli.

Apat ang anak ni Mama Risa at nabiyuda siya sa edad na 39. Hindi na nag-asawa pa si Mama Risa dahil ang kinabukasan ng bayan at ng kan­yang mga anak ang priority niya.

Sa sandaling pakikinig ko sa mga plano ni Mama Risa, nakumbinsi ako na deserving siya na iluklok sa senado sa nalalapit na eleksiyon.

At dahil naging instant fan ako, nagpakuha ako ng picture na kasama si Mama Risa na umamin na bading ang halos kalahati ng kanyang staff.

* * *

Umalis ako sa presscon na hindi ko nadidiskubre ang identity ng tao na nagpadala ng mga bulaklak kay Risa habang ginaganap ang press­con.

Touched na touched ang biyuda na congres­swoman pero naintriga siya dahil hindi nagpakilala ang nagpadala ng bouquet of flowers na kulay orange.

Forty-four years old pa lamang si Risa. Sa ganda niya, imposible na walang nagkakagusto sa kanya. Wala man siyang lovelife, love na love si Mama Risa ng entertainment press dahil sa kanyang talino at sincerity na makapaglingkod sa bayan.

Show comments