MANILA, Philippines - Malaking karangalan ang makuhang Reyna Elena sa Santacruzan noon. Bibihira kasi ang napipiling maging Reyna dahil kailangang malinis ang pangalan at maganda.
Ilan sa mga nakumbida para maging Reyna Elena sa bayan ng Binangonan, Rizal ay sina Judy Ann Santos, Bea Alonzo, Glaiza de Castro, Rica Peralejo, Beth Tamayo, Jodi Sta. Maria, Jessa Zaragoza, Lindsay Custodio, Kaye Abad, Paola Peralejo, Ana Roces, Hazel Espinosa, Tina Monasterio, Marianne dela Riva, Alma Concepcion (Bb. Pilipinas International), Margaret Wilson (Bb. Pilipinas World), Peachy Veneracion (Mutya ng Pilipinas), Jean Hearn (Ms. Earth), Krista Ranillo at Empress Schuck.
Ngayong taon, ay isang tubong Binangonan na nag-aaral sa Child Jesus Prague School, anak nina G. & Gng. Boyie Doblada na si Camille Alyzza O. Doblada, bilang Reyna Elena. Ang kanyang gown na gagamitin ay nilikha ng designer na si Liway Mallari ng Home of Fashion. Ito ay lalahukan din ng mga piling dilag ng nasabing bayan.
Panata ang turing sa Santacruzan. Ayon kina Liga President Larry G. Arada, at Gomer O. Celestial project coordinator, Kagawad Caloy Mesa ng Cultural Affairs, ang Santacruzan ay tampok sa Pista ng Krus sa Barangay Libid sa Mayo 2, 2010, 7:00 p.m.
Ito ay sa pagtataguyod nina Mayor Boyet M. Ynares, Sangguniang Barangay at SK ng Libid, Gng. Sonia Orendain — de Leon, Gng. Bonet Tiraña, Engr. & Gng. Joel Gavino, Victor Santos, KABALIKAT CIVICOM, Club 109, Brgy. Tanod at Senior Citizens ng Libid para sa kaayusan ng prusisyon.