BR magiging Kapamilya na?

Hindi kami nagulat nang pangalanan ang Kapuso star na lilipat sa ABS-CBN after election dahil naramdaman na naming medyo may tampo ito sa GMA 7 nang huli naming ma-interview ang talent na ‘di muna namin sasabihin kung lalake o babae.

May sinabi kasi ito sa presscon na parang patungkol sa GMA 7 at may kinalaman sa placement ng political ad. Anyway, kapag hindi nahabol, sa Channel 2 na mapapanood ang mga susunod na shows ng Kapuso star at ayon sa isang Channel 2 insider, done deal na ito, pero alam n’yo naman sa showbiz, uso ang habulan. (Si BR ba ito ateng? – SVA)

* * *

Una naming narinig kay Regine Velasquez na bag ang birthday gift sa kanya ni Ogie Alcasid, pero hindi binanggit ang brand, basta masaya siya sa gift ng BF. Noong isang araw, ka-text ni Ogie ang isang kaibigang reporter at nakisingit kami sa palitan nila ng text messages.

Ipinatanong namin sa reporter kay Ogie kung Goyard ang niregalo niya kay Regine? Hindi raw at nakiusap na ‘wag na lang pag-usapan ang tungkol ‘dun. Hindi alam ni Ogie na nagbigay siya ng clue sa next message na kasunod ng letter G ang brand ng bag na gift niya. Ano pa ba ang susunod sa Goyard kundi Hermes!

Para ring kinumpirma ni Ogie na tama ang hula naming Hermes bag ang birthday gift niya kay Regine sa sagot nitong “secret” nang usisain namin kung anong color ng bag. Kay Regine na namin itatanong ang ibang details sa bag at sasabihin naming si Ogie ang source.

* * *

Mahal daw ang pamasahe sa New York, kaya hindi sasama si Annabelle Rama kay Richard Gutierrez na lilipad sa Sunday para dumalo sa New York Festivals International Television & Film Award, kaya si Jun Lalin ang sasama sa anak.

Nominated sa nasabing international award ang documentary na Planet Philippines hosted by Richard sa GMA 7 under the Environment & Ecology category. Kasama ni Richard na dadalo sa awards night ang producer ng docu na si Ella Evangelista-Martelino na isa ring jury member ng awards. Sini-share ni Richard ang first international nomination niya sa production staff na naghirap na buuin ang Planet Philippines.

Naniniwala si Richard na may big chance na manalo ang Planet Philippines sa sinabing “We made the docu top quality mula sa editing, sa music at ibang aspeto. High talaga ang quality.”

Samantala, tinanong namin si Annabelle kung kailan matutuloy ang paggi-guest ni Richard sa Diva dahil marami na ang naghihintay? Sagot nito, ang schedule ng anak ang problema dahil sobrang hectic, matagal pa raw ang Diva at maggi-guest din si Richard.

* * *

Iniintriga ang pagkuha ni Sen. Loren Legarda kay Dante Mendoza para magdirek ng documentary na Buhos. Dati raw nagdidirek ng ad ni Sen. Mar Roxas ang director, pero ngayon, nasa kampo na ni Sen. Loren, hindi raw ba pagsimulan ito ng panibagong isyu sa dalawang vice-presidentiables?

Si Loren na ang sumagot na walang kinalaman ang pulitika sa pagkuha niya kay direk Dante at masusundan ang collaboration nila’t maraming naiisip na topic si Sen. Loren. Sabi naman ni Dante, naniniwala siya sa passion ng senador at sa lahat ng gusto pa nitong gawin.

Two weeks kinunan ni direk Dante ang docu at sinundan niya si Sen. Loren kahit saan pumunta. Ipalalabas ito sa mga sinehan at different schools after the press preview na naka-schedule first week of May.

* * *

Sa Panday Kids, mas marami sina Lizardo (Marvin Agustin) kesa grupo ni Aureus (Paulo Avelino) at tiyak ang pagkatalo ng Panday Kids. Ipinasusuko ni Lizardo sa panday Kids ang espada na ‘di nila magawa dahil nasa loob ito ng kanilang katawan.

Show comments