^

PSN Showbiz

Luis tatlo na ang pag-aaring bahay

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Lucky pala talaga si Lucky Manzano. Paano ba naman, hindi pa siya nag-aasawa, tatlo na agad ang sarili niyang puwedeng pag-uwian sa kanyang pakakasalan. Ang house and lot na dating pag-aari ng kanyang mama, Gov. Vilma Santos, sa Corinthian Village ay ipinamana na sa kanya. Binigyan siya ng kanyang papa, vice presidentiable Edu Manzano ng condo unit (Renaissance) at isa pang condo na basta, bigay din ng isang taong malapit sa kanya.

Kaya kung sakaling mag-asawa pala si Luis, wala na silang poproblemahin ng kanyang magi­ging misis. Papitik-pitik na lang sila.

By the way, kapapanalo lang sa best supporting actor ni Luis sa Star Awards for Movies para sa kanyang bonggang portrayal sa pelikula ng Star Cinema na In My Life.

* * *

Retoke.

Yup, as in umamin daw ang presidente ng fans club ni Sarah Geronimo tungkol sa kalat na kalat nang photo niya na naka-Laban sign wearing yellow shirt pa. Mismong si Mommy Divine ang nakausap ko sandali. “Iklaro mo sa presidente ng fans club nila,” sabi ni Mommy Divine sa kabilang linya na hindi ko na nagawang tawagan (presidente ng fans club).

Kinausap daw ni Sarah ang fans at tinanong kung saan nanggaling ang nasabing photo eh wala naman daw siyang matandaan na nakunan siya ng ganung picture three years ago.

Actually, may ilang nakakita na ganun din ang reaction.

Ayon sa isang computer expert, kamay ni Sarah ang pinalitan. “Di ba parang napansin mo na sobrang maputi ang kamay niya kesa sa kulay ng mukha niya. Hindi magkakulay at masyadong malaki ang kamay, hindi proportion sa original niyang ka­may,” matapos sipat-sipatin ng computer expert ang original photo at ang controversial na photo ng pop princess sa computer.

Well masyadong masalimuot ang pulitika. Hindi natin alam kung ano pang susunod na kuwento tungkol sa mga kandidato at nagi-endorso sa kanila like Sarah.

Pagkatapos ng election ang mas abangan natin. Tiyak na mas maraming kuwento na maglalabasan.

Naagaw ng pulitika ang mga intriga sa showbiz. Eh favorite pa naman ng mga kandidato ang showbiz press.

* * *

Kaloka rin si Tita Annabelle Rama. Ang dami niyang kapustahan sa May 10 elections. At hindi birong halaga. Kay Mother Lily Monteverde pumusta siya ng P100,000. Si presidentiable Gilbert Teodoro ang manok niya at confident siya na magwawagi ang kanyang kandidato.

At hindi lang daw yun ang kapustahan niya, marami pang iba.

Hindi rin daw siya naniniwala sa survey. Mas naniniwala raw siya sa rami ng tao na bilib sa galing ni Gibo.

Ilan lang naman daw kasi ang kinukunan ng survey at sa dinami-rami raw nang nakausap at nakikilala niya, wala pa siyang narinig na naging respondent ng survey. May punto ka tita.

vuukle comment

ANNABELLE RAMA

CORINTHIAN VILLAGE

EDU MANZANO

GILBERT TEODORO

IN MY LIFE

KAY MOTHER

LILY MONTEVERDE

LUCKY MANZANO

LUIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with