Ricky Reyes busy uli sa hair and makeup show

MANILA, Philippines - Inaanyayahan ng Filipino Hairdressers Coo­perative (Filhair Coop) pangulo na si Mother Ricky Reyes ang lahat ng parlorista at salon owners sa Luzon, Visayas, at Mindanao sa ika-26 na Hair and Makeup Trends na gaganapin sa Miyerkules, Abril 28 sa Philippine Trade Center sa Roxas Boulevard, Pasay City.

Dumalo, lumahok, at panoorin ang apat na kate­­goryang paglalabanan tulad ng men’s haircut and blow dry, ladies’ haircut and blow dry, com­mercial makeup at bridal makeup. Malalaking prem­yo, tropeo, at certificate ang iuuwi ng mga winners.

Mga delegadong miyembro ng Asia Pacific Hairdressers and Cosmetologists Association (APHCA) mula Japan, Hong Kong, Taiwan, Bang­kok, Singapore, atbp. ang uupo bilang board of jud­­ges. Mayroon ding makabuluhang hair shows, seminars, at trade exhibits.

Para sa mga interesado, tawagan lamang si Lhito Pantig (0917-8995727) at Bong Soriano (0917-4628128).

Kasama ni Mother Ricky sa regional competition na ginanap sa Doctors’ Gym sa Cabanatuan sina Nueva Ecija Gob. Eduardo Joson, Bise Gob. Rommel Rodilla, overall chairman Aida Roque, Ca­banatuan Filhair President Giana Agustin, Sec. Jenny Polinton, Auditor Aljon Vero, PRO Aman­da, at mga opisyales ng National Filhair na sina Es­ter Garcia, Ivory Malaguena, Raquel Pa­ngi­lagan, Alex Yusingco, at ang mga winners at kani-kanilang modelo sa nabanggit na paligsahan.

Show comments