Ricky Reyes busy uli sa hair and makeup show
MANILA, Philippines - Inaanyayahan ng Filipino Hairdressers Cooperative (Filhair Coop) pangulo na si Mother Ricky Reyes ang lahat ng parlorista at salon owners sa Luzon, Visayas, at Mindanao sa ika-26 na Hair and Makeup Trends na gaganapin sa Miyerkules, Abril 28 sa Philippine Trade Center sa Roxas Boulevard, Pasay City.
Dumalo, lumahok, at panoorin ang apat na kategoryang paglalabanan tulad ng men’s haircut and blow dry, ladies’ haircut and blow dry, commercial makeup at bridal makeup. Malalaking premyo, tropeo, at certificate ang iuuwi ng mga winners.
Mga delegadong miyembro ng Asia Pacific Hairdressers and Cosmetologists Association (APHCA) mula Japan, Hong Kong, Taiwan, Bangkok, Singapore, atbp. ang uupo bilang board of judges. Mayroon ding makabuluhang hair shows, seminars, at trade exhibits.
Para sa mga interesado, tawagan lamang si Lhito Pantig (0917-8995727) at Bong Soriano (0917-4628128).
Kasama ni Mother Ricky sa regional competition na ginanap sa Doctors’ Gym sa Cabanatuan sina Nueva Ecija Gob. Eduardo Joson, Bise Gob. Rommel Rodilla, overall chairman Aida Roque, Cabanatuan Filhair President Giana Agustin, Sec. Jenny Polinton, Auditor Aljon Vero, PRO Amanda, at mga opisyales ng National Filhair na sina Ester Garcia, Ivory Malaguena, Raquel Pangilagan, Alex Yusingco, at ang mga winners at kani-kanilang modelo sa nabanggit na paligsahan.
- Latest