^

PSN Showbiz

Sandra Bullock haharapin ng kabit

-

MANILA, Philippines - Napaulat na ang Hollywood actress na si Sandra Bullock ay handang harapin at kausapin ni Melissa Smith na kabit ng asawa niyang si Jesse James.

Ito ang nabatid sa isang maikling faxed letter na ipi­nadala ni Melissa kay Sandra.

Nakuha ng TMZ ang isang kopya ng naturang sulat.

Sa nasabing sulat, humihingi ng paumanhin si Melissa kay Sandra dahil sa pakikipagrelasyon niya sa asawa nito.

“Sa pakiramdam ko, kailangang makita at harapin kita at sabihin sa iyo kung gaano ako kalungkot sa lahat ng pinagdaanan mo,” sabi ni Melissa sa kanyang sulat na ipinadaan sa fax machine noong Linggo sa opisina ng agent ni Sandra.

“Alam kong hindi matatanggal ng anumang sabihin ko sa sulat na ito ang sakit na idinulot ng ginawa ko sa iyo,” dagdag ng kalaguyo ng aktres.

Naghiwalay kamakailan sina Sandra at Jesse dahil sa pambababae ng mister.

Sinabi pa ni Melissa sa sulat, “Sorry sa lahat ng sakit na ibinigay ko sa iyo. Hindi kapata-patawad ang pakikipagrelasyon ko sa isang lalaking may asawa. Wala akong hangaring saktan ka.”

Sinabi pa ni Melissa sa sulat na maraming beses na ikinom­promiso niya ang kanyang mga paniniwala at hindi niya mapa­patawad ang sarili sa ibinunga nito.

Tinapos ni Melissa ang sulat sa mga katagang “Kontakin mo ako kung gusto mo para makapag-usap tayo. Maaaring sa telepono o magkaharap tayo nang personal.” (Isinalin ni Mon Bernardo)

ALAM

ISINALIN

JESSE JAMES

MELISSA

MELISSA SMITH

MON BERNARDO

SANDRA BULLOCK

SINABI

SULAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with