SEEN : Tinawag na extortionist ni Sen. Mar Roxas ang housemaid na nagreklamo noon ng pang-aabuso laban sa kanyang asawang si Korina Sanchez.
SCENE : Ang matagal nang plano ng ABS-CBN na pagsamahin sa isang drama series si Piolo Pascual at ang mga child stars na sina Zaijan Jaranilla at Xyriel Anne Manabat.
Si Zaijan ang sensational star ng May Bukas Pa at si Xyriel ang bata sa Agua Bendita.
SEEN : Ang pangako ni Sen. Mar Roxas na ipararating niya kay Sen. Noynoy Aquino ang reklamo ng showbiz press na hindi nila nararamdaman ang presidential candidate ng Liberal Party.
Unpopular si Noynoy sa mga showbiz reporters dahil tila iniiwasan niya ang entertainment press.
SCENE : Ang amateur hosting ni Alvin Alfonso sa coronation night ng Miss Earth Philippines Beauty Pageant. Mas mahusay na VJ si Alvin.
SEEN : Gustong sumali ni Daniel Matsunaga sa Survivor Philippines Celebrity Edition ngunit malabo ito dahil kasama siya sa cast ng Langit sa Piling Mo.
SCENE : Ang remake ng Bakit Kay Tagal Nang Sandali ang ipapalit sa Gumapang Ka sa Lusak.
Si Maxene Magalona ang lead actress sa TV remake ng lumang pelikula ni Dina Bonnevie.
SEEN : Malusog na malusog si Claudine Barretto sa mga eksena niya noong nakaraang Sabado sa Claudine.
SCENE : Pinalakpakan ang performance ni Lea Salonga sa The Vagina Monologues na itinanghal sa Aratani Theater, Los Angeles noong Linggo.