Muntik masira ang sequencing ng isang live show kamakailan nang mag-walk out ang isa sa mga performers ng show dahil disappointed sa ginawang preparation ng staff sa kanyang number. Ang feeling ng artist, pinababayaan siya ng staff at mas concentrated sa ibang artists.
Mabuti at nahabol ang artist bago pa makalabas sa studio at makasakay sa kanyang car dahil kung nangyari ’yun, sirang-sira ang takbo ng show, eh marami pa namang production numbers ang artist na iba’t iba ang kasama.
Pero magaling ang artist dahil nang muling bumalik sa show, hindi halatang nagkaproblema siya at performance level pa rin ito.
Hindi kami magugulat kung after the show, nagkaroon ng emergency meeting ang artist at staff ng show pati na ang direktor at pinag-usapan ang naging problema ng artist sa kanyang number.
* * *
Tuloy ang All-Star Caravan na ilang buwang plinano ni Kris Aquino bilang parte ng campaign ng kapatid na si Sen. Noynoy Aquino. Makakasama ni Kris sa caravan na magsisimula sa May 4 sina Ogie Alcasid, Dingdong Dantes, Marian Rivera, Boy Abunda, Dennis Trillo, Derek Ramsay, Erik Santos, Mariel Rodriguez, Pooh, AiAi delas Alas, at iba pa.
Magsisimula sa Baguio ang caravan at dadaan sa La Union. Sa May 5, Nueva Ecija at Pampanga ang pupuntahan ng grupo. Sa May 6, Batangas at Cavite at sa May 7, nasa Bulacan, Valenzuela at Quezon City sila at magtatapos ang caravan sa May 8 sa NCR.
Ang All-Star Caravan ang huling event na gagawin nina Ogie, Marian, at Dingdong bago sila umalis sa May 12 para sa US-Canada tour kasama si Regine Velasquez. Pagbalik ng apat, iba na ang presidente ng bansa, ’yun ay kung walang maghahabol.
* * *
Naintriga kami sa nabasang magkasunod na tweet ni Jewel Mische dahil ’yung una sabi niya, “I had a meeting with the respectable, big boss Gozon,” na for sure ang tinutukoy nito’y si Atty. Felipe Gozon ng GMA Network at ang dating sa amin, project ang pinag-usapan nila.
Pero ang sumunod na tweet ay “My first time to set foot on another TV station.”
Umandar ang pagka-reporter namin, twinit namin si Jewel at tinanong if she’s moving to another network.
Two days after pa sumagot si Jewel at heto ang sagot niya sa amin, “I just had to talk with some people. What lies ahead is something I cannot tell yet.”
Naalaala naming unang nasulat ni Jewel sa kanyang blog na gusto niyang magtrabaho at kung walang maibibigay na project sa kanya ang GMA 7, willing siya to work with another station. Ito na kaya ang hinihintay ni Jewel? Sayang kung pakakawalan siya ng Channel 7 dahil with the right project at sipag sa part ni Jewel, may ilalabas ito.
* * *
Sa Gumapang Ka sa Lusak, alam na ni Rachel (Jennylyn Mercado) ang totoo sa kanyang pagkatao, pero ’di pa rin makikilala ang tunay niyang ina. Na kay Guatlo (Al Tantay) si Rachel at sasaktan siya para malaglag ang dinadala, pero darating sina Levi (Dennis Trillo) at RJ.
Matutunton sina Rachel, RJ, at Levi sa safehouse ng tauhan ni Guatlo at muling mabibihag ang pamilya ni Rachel. Magkakahiwalay ang grupo at sina Levi at Rachel lang ang maaabutan ni Guatlo at babarilin nito si Levi sa harap ni Rachel.